༆ FA 14: TRUTH? ༆

14 2 0
                                    

ATHENA POV

Nagising ako sa ingay na mula labas ng silid na to teka nasan ako hindi ito ang dorm namin saka wala rin akong maalala na napunta ako sa lugar na to.

napabangon ako ng biglang ng nagbukas ang pinto at may pumasok isang aninag ito ng lalaki papalapit ng papalapit sa hinihigaan ko ng makalapit na sya naaninag ko na ang mukha nya teka bakit sya nandito.

"vi-vince!?" bakit sya nandito.

"Gising kana pala kapatid ko"masayang turan nito teka ano kapatid?.

"Ha?kapatid?teka joke ba to?"sambit ko

ngumiti naman to sakin "tara lilibot kita sa palasyo natin"sambit nito.

"Wag ka magalala ligtas dito"ulit na sabi nito.

"O-okay"tumayo naman ako at sumunod na sa kanya.

Naglalakad na kami sa pasilyo ng kaharian na to napapansin ko na madaming mga tao nadumadaan daan may mga hawak na pang decor at mga gamit teka ano meron may celebration ba dito.

"Pansensya kana kung magulo mga tao dito may gaganapin na piging mamaya dahil bumalik na ang nagiisang prinsesa namin"ngiting sambit nito sakin.

"Sino naman yun?"tanong ko pero tanging ngiti lang ang sinukli nito sakin.

"Malalaman mo tara may papakilala ako sayo"sambit nito at sinundan ko naman sya mahirap na baka maligaw ako.

"Ama!"bati nito sa isang matandang lalaki na nakatalikod sa isang pasilyo madami itong mga kasama na kawal sa paligid at yung isa ay kinakausap nya.

Tumingin ito sa kinaroroonan namin pamilyar sakin yung tao na yun san ko ba sya nakita napatigil ako sa paglalakad ng naalala kona sya yung lalaking kumuha sakin sa dorm namin at tumatawag sakin na anak nya.

Tumingin ito sakin at ngumiti"nandito na ang aking munting prinsesa"sambit nito.

"vi-vince sino ba sya bakit nya ako tinatawag na Prinsesa?"tanong ko

"Sya ang ating ama athena sya si Haring Vlad ng Kaharian ng Dark Abyss"tugon nito teka dark abyss?

"Teka dark abyss ba kamo?"tanong ko ulit at tumango ito napatapik na lang ako ng bibig ko dahil hindi ko na alam gagawin ko naisip ko yung libro na nabasa ko dati .

Umatras ako at tumakbo sa papalayo sa kanila kalokohan ba to bakit nandito ako at anong sinasabi nilang ako ang nawawalang prinsesa nila.

"Athena!"

"Anak!"

rinig kung mga tawag nila sakin pero hindi ko pinaginggan at patuloy lang ako sa pagtakbo kahit hindi ko na alam saan ako makakapunta gusto ko ng umalis dito.

Paliko na ako ng pasilyo ng may humila sakin at tinakpan ang bibig ko narinig kung may binulong ito sa tenga ko dahilan para manlabo ang paningin ko.

****

JACK POV

"athena nasan kana ba?"bulong ko sa sarili ko

Mahigit ilang oras na akong naghahanap sa kanya lumabas na din ako ng school dahil kung wala sya sa loob maaring nasa labas sya ng school pero nasan sya  asan kana ba athena.

Paliko na ako ng may nakita akong babaeng nakatayo sa gitna ng kagubatan kamukha nya si

"Athena?"sambit ko tumingin ito sakin at ngumiti.

"Athena bakit ka-"napatigil ako sa pagsasalita ng bigla syang lumuhod puno sya ng mga sugat at galos sa katawan puro dugo na din ang suot nito.

"Ano nangyari bakit ang dami mong sugat?"tanong ko dito at naglakad papunta sa kinaroroonan nya pero bigla ako napatigil ng nakita ko ang hawak nya.

Frorestial Academy : Paaralan ng Mahika (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon