Micah's POV
Tapos na ang bakasyon kaya heto pasukan na naman. Di ko pa na-eenjoy ang bakasyon. Paano ba naman lagi akong "team bahay".
At ang malala pa nito, sa school ako magdiriwang ng 16th birthday ko. Bakit kasi di pa nasakop ng bakasyon ang birthday ko eh?
Pati bakit ang aga ng pasukan? Pero okay lang iyon, I'm pretty sure naman na maraming babati sa'kin. Madami akong kaibigan eh.
"Anak, bangon na riyan. Baka malate ka pa , first day of class nyo pa naman. Gising na, tanghali na." sigaw sa akin ni mama. Heto na naman siya, pumasok siya sa kwarto ko na di nagpapaalam, di marunong kumatok. Nagkapinto pa?
Pero hanga ako diyan kay Mama, kahit single mom lang siya, naitaguyod niya ako at napalaki niya akong mabuti. Kung di dahil sa kanya wala ako sa posisyon ko ngayon.
"By the way, Happy Birthday anak!"masaya niyang bati sa 'kin kaya agad akong bumangon sa pagkakahiga.
Nakita kong may hawak siyang cake at kumakanta ng birthday song para sa'kin.
"Thank you, Mama."nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Nag-effort pa talaga siyang maghanda ng cake.
Napansin kong tumungo si Mama nang bahagya.
"Mama bakit po?"tanong ko sa kanya.
"Nalulungkot ako, anak"mahina na niyang sabi. Nakunot ang noo ko sa narinig.
'Ha? May nagawa ba akong mali?' , isip-isip ko.
"Di mo kasi naappreciate ang boses ko. Ang pagkanta ko ng birthday song para sa'yo. Huhuhuhu."malungkot niyang sabi habang kinukusot ang mga mata.
Ha? Seryoso siya? Ambabaw mo mama!
"Yun po ba? Akala ko naman kung ano na? Kinabahan naman ako dun. O siya sige na po, maghahanda na po ako."pamamaalam ko sa kanya.
"Mabuti pa nga."matipid na sagot ni mama.
__________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...