Patrice's POV
Gusto na naming umalis dito ngunit hindi namin magawa. Gusto ko na ring makita ang pamilya ko.
"Anong gagawin natin sa last hours natin?"biglang nagsalita si Melai na kanina pa nakatulala. Kaming mga babae ang nanatili sa kwarto at ang mga lalaki ang mga magbabantay.
"Huh?"pagtataka ko sa sinabi niya.
"Ako. Gusto ko sanang makausap muna yung buong pamilya ko bago man ako matodas"walang emosyong sabi ni Gen.
Napabuntong-hininga lamang si Melai. "Ako ang gusto ko ay mapatawad ako ng mga taong galit sa akin para makaakyat ako sa heaven."saad ni Melai.
"Ikaw Patrice?"tanong ni Gen at umiling-iling ako.
Hayy. Lalabas na nga muna ako baka mas matino pang kausap ang mga boys dito.
Lumabas ako at nakita ko silang nagtatawanan. "Anong pinag-uusapan niyo?"tanong ko sa kanila.
"Ahahahaha. Nagtatanungan kami kung anong gusto naming gawin bago kami mamatay."sagot ni Joen.
"Ano? Alam niyo kaya ako lumabas doon kasi ayaw ko ng pinag-uusapan nila tapos ngayon yun din ang pinag-uusapan niyo. Saan ako lulugar?"nakasimangot kong pahayag sa kanila.
"Ano bang gusto mong pag-usapan?"tanong sa akin ni Migz.
"Gusto ko mas—-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may makita akong dalawang taong nakalabas sa labas. Parang babae sila.
"Bakit?"tanong ni Frank at agad ko namang itinuro ang nakita ko. Mas natakot kami ng nakitang may hawak yung isang babae na chainsaw at yung isa naman ay bareta de cabra.
"Yung gate!"sigaw ni Migz at dali-dali naming itinulak ang gate. Naisarado namin ang gate. Napansandal si Joen dito at nagulat kami ng biglang may tumagos na chainsaw sa tiyan niya.
"AHHHHHHHHHHH"hiyaw naming tatlo nang matalsikan kami ng maraming dugo.
"HAAHAHAHAAHAHA"narinig naman namin na tumatawa ang dalawa sa labas. Bumagsak na ang katawan ni Joen, sumilip naman ang dalawang killer sa butas ng gate.
Hindi namin napansin na nabuksan na pala na nila ang gate kaya naman dali-dali akong tumakbo. Nakita kong lumabas sina Gen at Melai sa kanilang kwarto. "Anong nangyayari?"tanong nila.
"Balik sa loob!!"maotoridad kong utos at bago ko maisara ang pinto may natanaw akong isang lalaki. Nasa second floor siya nakatayo siya doon habang kitang-kita ko ang takot sa kanyang mukha. "Martin! Bumalik ka sa kwarto mo!"utos ko sa kanya at agad naman niyang ginawa.
Hindi ko namalayan na malapit na sa akin ang salarin na may hawak ng bareta de cabra. Akmang hahampasin niya na ako nang bigla ko siyang sinapi sa kanyang sikmura at nabitawan niya ang kanyang hawak kaya naman dali-dali ko itong pinulot. Inihampas ko maskara niya ang bareta de cabra dahilan para matanggal ito at masugatan siya nang bahagya. Iniharang niya ang kamay niya sa mukha kaya hindi ko siya namukhaan. Umatras siya at isinuot ang hood ng kanyang jacket.
Nakita kong dinala nung isa si Migz at Frank. Wala na akong nagawa dahil nakalabas na sila.
Agad naman akong pumunta sa kwarto ni Martin sa second floor. Kumatok ako sa pinto at dali-dali niya ring binuksan.
"Anong nangyari sa'yo?"bungad ko sa kanya.
"Ewan. Nakatulog ako dito eh. Ang natatandaan ko lang pumasok si Abby sa kwarto ko at may pinainom sa akin pagkatapos nun ay nakatulog na ako."paliwanag niya.
"Huh? Si Abby? Hindi kaya si Abby ang killer?"bulong ko at tinitigan ko si Martin.
__________________________________________________________________
Someone's POV
"Ang sakit ng pisngi ko, hayup yan si Patrice. 'Pag nadala ko talaga siya sa ating ruta ay papahirapan ko siya ng todo!"sigaw ko
" Sugod ka kasi ng sugod eh lampa ka naman pala!"nanunuyang pahayag ni QWERTYUIOP kaya naman tiningnan ko siya nang masama at agad naman siyang nagpeace sign.
"By the way, walo na ang napapatay natin. Hahahahaha"anunsyo ko sa kanya at gumuhit naman ang malapad na ngiti sa bibig niya.
"Hindi na sila masisikatan ng araw. Dito na sila mamatay. Magtatagumpay na tayo!"masayang sabi ni QWERTYUIOP.
__________________________________________________________________
Thanks for reading.
VOTE and COMMENT :)
![](https://img.wattpad.com/cover/39432242-288-k109822.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...