CHAPTER 25: Goodbye Slaughter World

95 9 0
                                    



Micah's POV



Naaninag ko kung kanino nanggagaling ang mga yabag.



"Yngrid! Martin"mahinang bulong ko.



"Abby, tama na ha? Babalik na tayo sa resort at maghahanda na tayo para makalabas dito. Magiging maayos ang lahat, itigil mo lang 'to!"mahinahong sabi ni Abby at tumango-tango ito.



Natuwa ako sa aking nakikita pero nagtataka lang ako kung bakit hindi na kasama nina Martin sina Patrice at Migz, wala na rin si Frank.



Ika-ika akong lumapit sa kanila at umiling-iling sila kaya naman pumatak ang luha sa aking mata.



"Tara na guys! Bumalik na tayo sa resort."aya sa amin ni Paolo.



Niyakap naman ako ni Yngrid nang mahigpit. "Micah, buhay tayo. Ligtas tayo!"bulong niya. Masaya ang tono ng pananalita niya ngunit sa kabila nito ay alam kong may lungkot din doon dahil wala na ang kaibigan namin.



Nagpunta na kami sa resort. Inatasan ni Paolo sina Yngrid at Martin na humingi ng tulong sa labas ng gubat samantalang kami ang natira sa resort.



Nakaupo lang si Abby sa isang upuan. Kasalukuyang ginagamot ni Paolo ang sugat ko. Napakahapdi.



Hindi maalis ang tingin ko kay Abby, hindi ko na siya maaaring pagkatiwalaan dahil sa kanyang mga ginawa. Sabi nga nila, TRUST IS LIKE A PAPER ONCE IT'S CRUMPLED, IT CAN'T BE PERFECT AGAIN.



Nakatulala lamang siya parang blanko ang isipan.



Minabuti ni Paolo na ipasok muna ako sa loob ng isang kwarto para magpahinga. "I love you!"bulong ko sa kanya.



"Mahal na mahal din kita!"nakangiting sabi nito at hinalikan ang aking noo. "Nandun lang ako sa labas ha?"paalam nito sa akin kaya naman tumango na lang ako bilang pagsagot.



Paglabas niya ay nagulat ako sa biglaan niyang pagtumba. Nakita ko kung sino ang pumalo sa kanya ng matigas na bagay. Si Abby.



"Anong akala mo, ganun na lang yon"bulyaw niya sa akin at hinila ang buhok ko habang kinaladkad palabas. Wala na akong lakas para labanan siya, gawin niya na lang kung ano ang gusto niyang gawin sa akin, Kung iyon ba ang ikasasaya niya, eh di go. Handa na naman akong mamatay eh.



Tinanggal niya ang band aid ng sugat ko sa tagiliran at bigla niya ipinasok ang hintuturo niya sa sugat ko. Napakasakit! "Anong pakiramdam?"tanong niya ngunit hindi ko siya sinagot bagkus ay mariin lang akong pumikit.



Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at ipinasok sa bibig ko ang daliri niyang ipinasok sa loob ng sugat ko.



__________________________________________________________________



Third Person's POV



Nagkaroon na ng malay si Paolo at nakita niyang pinapahirapan ni Abby si Micah. Sinasampal-sampal niya ito at sinusugatan.



Kinuha niya ang kahoy na ipinanghampas sa kanya ni Abby at lakas loob na lumapit kay Abby.



"Hayup ka!"sigaw ni Paolo at hinampas niya ng kahoy ang sikmura ni Abby dahilan para matigil ito sa ginagawa. Inilayo ni Paolo si Micah kay Abby.



Nanghihina na si Micah. Maraming dugo na ang tumatagas sa kanyang tagiliran.



Kinuha ni Abby ang swiss knife na nasa lamesang malapit sa kinatatayuan niya. "Sige. Lumapit ka at gigilitan kita ng leeg"sigaw ni Abby na tila nababaliw na.



Ilang saglit ay nakarinig sila ng malakas na sirena na nanggaling sa sasakyan ng pulis.



Dali-daling nagsipasukan ang mga pulis sa loob. "Abby Lopez, sumuko ka na nang maayos para hindi na dumanak pa ang dugo dito!"banta ng isang pulis sa kanya.



Binitawan naman ni Abby ang hawak niyang swiss knife at sumama nang maayos sa mga pulis. Tinitigan niya nang masama sina Martin at Yngrid ngunit inismidan lang siya ng mga ito.



"Paolo, kailangan na kayong madala sa ospital!"sabi ni Martin kay Paolo at agad naman siya nitong nginitian.



__________________________________________________________________



NOTE: Okay lang ba ito. Epilogue na kasunod nito kaya malapit ng matapos tong story ! COMMENT KAYO KUNG OKAY LANG ANG STORY :) !

That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon