CHAPTER 13: Their Secret

107 8 0
                                    

Micah's POV



"Nasaan ako?"tanong ko sa sarili nang magkamalay ako. "Anong nangyari sa akin?"dagdag ko pa.



Tumingin ako sa paligid para malaman ko kung nasaan ako. Nasa gubat ako. Kinapa ko ang bandang ulo, bakit ganun parang basa ang ulo ko? Tinignan ko ang aking kamay at nagulat ako nang makitang dugo ito.



Flashback...


(Third Person POV)



Kinakausap ni Micah si Joanne tungkol sa pagsama nito sa kanila nang mapansin ni Micah na nawala na sa paningin niya si Paolo.



Hindi niya na inintindi si Joanne at iniwan niya na lang ito para sundan si Paolo.



"Paolo! Sandali. Nasaan ka ba?"sigaw ni Micah kay Paolo ngunit hindi ito sumagot sa kanya.



Sa kanyang pagmamadali ay hindi niya napansin na mabato na ang dinadaanan niya hanggang sa mawalan siya ng balanse dahilan para siya ay madapa. Napauntog ang kanyang ulo sa maliit na bato kaya nawalan siya ng malay.


Micah's POV


(FLASHBACK PA RIN 'TO. PANAGINIP NI MICAH NUNG NAWALAN SIYA NG MALAY)



Naglalakad ako para pumunta sa aming workshop. Fourteen pa lang ako nang sumali ako rito, gusto ko kasi na habang bata pa lang ako ay matuto na akong sumayaw, kumanta at marami. Dito rin sa workshop na ito, mas naging close kami ni Joanne at Abby. Nung grade 7 kasi kami sila lang ang masyadong close.



"Micah alam mo may bagong kaklase tayo dito."bungad sa akin ni Abby kasama niya si Joanne at Yngrid.



"Sino naman yan?"nakaismid kong tanong.



"Hays. Jude at Patty ang pangalan. Ayun napakasipsip."naiiritang sabi ni Abby. Aaminin ko napakainggitera ko pagdating sa mga ganitong bagay. Gusto ko lagi ako ang napupuri ng teacher at gusto ko sa akin lang ang atensyon ng teacher.



Ngumiti nang nakakaloko si Joanne. Alam ko na ang ibig sabihin nito. May plano siya. "Gusto mo ibully natin sila para lumayas yang mga yan."bulong ni Joanne at tumango na lang kami ni Abby.



Nakita namin na naglalakad ang dalawa. "Hello Patty! Hi Jude"bati ko sa kanila ngunit hindi nila ako pinansin.

That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon