NOTE: Mababasa niyo po dito sa chapter na ito ang kasunod na mga pangyayari sa workshop nila at sa panaginip ni Micah.
__________________________________________________________________
Third Person's POV
Pinagdedesisyunan nila Patty at Jude kung pupunta sila sa nasabing party ng magkakaibigan.
"Ano? Pupunta ba tayo?"tanong ni Patty kay Jude.
"Huwag na baka kung ano pang gawin nila sa atin dun, marami kaya sila."seryosong sabi ni Jude kay Patty.
"Eh para naman din hindi na rin nila tayo guluhin, pumunta na tayo"pangungumbinsi ni Patty. Gusto ni Patty na makaclose na ang magkakaibigan. Ayaw niya kasing may nagagalit sa kanya.
"Hindi naman natin sila kailangan eh. Kung ayaw nila sa atin, eh di ayaw rin natin sa kanila. Hahahaa"natatawang turan ni Jude. Ayaw niyang pumunta sa party na iyon dahil nararamdaman niyang may mangyayaring masama.
"Sige kung ayaw mo, ako na lang. Bye."pagpapaalam sa kanya ni Patty.
"Sige na nga sasama na rin ako."pahayag ni Jude na nagguhit ng isang malapad na ngiti sa labi ni Patty. Ayaw niya itong iwan, alam niya kasing pagt-tripan lang sila doon at isa pa mayroon siyang lihim na pag-ibig para kay Patty.
Sa fourth floor ng building gaganapin ang naturang party.
__________________________________________________________________
"Guys! Ready na kayo ah. Suot niyo na yang mask niyo ah"paalala ni Joanne sa bawat isa. Balak nilang takutin ang dalawa.
Sa lugar kasi na iyon ng building ay wala masyadong taong nagpupunta kaya doon nila napiling takutin sina Jude at Patty.
"Hoy! Nandyan na sila."mahinang bulong ni Mon kaya naghanda na ang bawat isa.
"SHHHHHHHHHHH"saway ni Micah sa naririnig niyang konting ingay. Gugulatin nila ang dalawa 'pag ng mga ito. Si Yngrid naman ang magbubukas ng ilaw 'pag pasok nila.
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Детектив / ТриллерNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...
