Micah's POV
Naglalakad kami nung taong nagblind fold sa'kin.
"Oy sino ka ba?"tanong ko sa kanya.
"Trolololol"bulong niya.
Di ko pa rin siya mobesesan. Grabe na 'to.
"Sino ka ba? Bitawan mo nga ako. Sabihin mo pangalan mo o sisigaw ako?"banta ko sa kanya.
"Patrice" matipid niyang sagot.
"Saan mo ba ako dadalhin, Patrice?"tanong ko sa kanya. Kilala ko 'tong si Patrice, mabait yan kaya di ako natatakot kung saan niya ako dadalhin pero medyo sabog din 'to eh baka pagtripan ako.
Tumigil na siya sa paglalakad.
May nagtanggal na ng blind fold sa'kin.
Nang maalis na ito ay nakita ko si Rico, nakangiti ito. Madalas ko lang siyang makitang nakangiti kaya naman natutuwa ako na nginitian niya ako.
May iniabot na gitara si Migz sa kanya. "Anong gagawin mo?"tanong ko sa kanya.
"Basta manood ka lang" pahayag nito.
"Kakanta ka? Marunong ka ba? Hahahaha"sarkastikong saad ko sa kanya.
"Heto naman. Minamaliit si pareng Rico"giit ni Migz habang tinatapik ang balikat ni Rico.
Sinimulan na ni Rico ang pagkalabit sa gitara tanda na magsisimula na siya sa pagkanta.
Lumapit si Migz kay Patrice. "Tara na, Patrice. Iwan na natin sila." narinig kong bulong ni Migz kay Patrice.
"Mabuti pa nga. Baka madistorbo pa tayo eh"tugon ni Patrice.
Bakit ganto parang pinagpapawisan ako? Para akong matutunaw dahil sa mga matatalim na tingin sa 'kin ni Rico.
Palingon-lingon ako dahil di na ko komportable sa sitwasyong ito at isa pa baka dumating na rin yung teacher namin. Terror pa naman mga teachers dito sa St. James University.
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...