Micah's POV
Umaga na pala. Hindi ko na namalayan ang oras dahil medyo masama ang pakiramdam ko.
Sabado ngayon kaya okay lang na medyo late akong magising.
Narinig ko ang pag-ingit ng pinto tanda na may papapasok.
"Anak, may bisita ka sa baba."bungad sa akin ni mama,
"Sino po?"tanong ko kay mama.
"Abby, Frank at Dane daw sila"sagot ni mama. "sige labasin mo na sila. At maghahanda ako ng pagkain para sa inyo!"dagdag pa ni mama.
Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon kay mama.
Bumaba na ako at natanaw ko na sina Abby.
"Good morning?" bati ko sa kanila. "Anong ginagawa niyo dito?"tanong ko sa kanila.
"Ahhmmmm. Iinvite sana kita"sagot ni Abby.
"Saan?"
"Be naman, nagtatampo na talaga ako sa'yo!" mahinang sabi ni Abby habang nakapout. Grabe mukha siyang itik. HAHAHAHA.
"Bakit may nagawa ba akong mali. Di mo naalala ko birthday ko di'ba?" malungkot niyang pahayag. Ay, oo nga pala.
"Next week pa naman yun eh"sabi ni Abby.
"Saan ba gaganapin?"tanong ko sa kanya. Nagtataka lang ako bakit kasama niya si Frank at Dane, eh wala namang kaimik-imik.
"Sa resort namin sa Batangas"sagot ni Abby. Naexcite ako nang narinig ko kung saan ang venue ng party ni Abby.
Buti naman at makakalayo kami dito sa Calamba kahit ilang araw lang.
"Sasama ako. Yehey!"pahayag ko at nagtatalon na parang bata dahil nga sa excitement na nararamdaman ko ngayon.
__________________________________________________________________
Mon's POV
Papunta ako sa chemistry lab, inutusan ako ng teacher ko na kumuha ng tripod.
"Nasaan kaya yun dito?"tanong ko sa sarili.
Hmmm. ang hirap namang hanapin.
Baka nandito sa mga cabinet.
Nang buksan ko ang cabinet, nagtaka ako nang makakita ako ng sako. Teka bakit ang baho naman nito.
Inilabas ko ang sako at tinanggal ang tali.
Laking gulat ko nang makita ang laman ng sako.
Isang bangkay. Bangkay na parang kinatay.
"Wow. Nakita mo na pala ang dapat surpresa ko sa lahat."may narinig akong boses na walang ka-ekspre-ekspresyon. Nakasmara siya kaya di ko siya makilala.
Agad ko siyang sinunggaban at tumaob naman siya sa ginawa ko. Sinamantala ko na ang pagkakataon at tumakbo ako palayo sa kanya ngunit laking gulat ko nang bigla akong matumba at nakitang dumurugo ang kaliwang paa ko. Ang hapdi. Nabaril niya pala ako.
"Akala mo matatakasan mo ako ha?"sarkastikong pahayag nito at agad hinawakan ang buhok ko at inihampas ang mukha ko sa sahig. Napakasakit ng nararamdaman ko at medyo nanghihina na ako hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
__________________________________________________________________
Thanks for reading.
VOTE and COMMENT :)
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...