Patrice's POV
Kasalukuyan kaming nasa computer room para tapusin ang research paper namin.
"Grabe naman ang hirap nitong topic na napili ko. Ang hirap gawin. " reklamo ni Jenina.
Sa totoo lang kasalanan niya rin naman eh, kung mahirapa bakit niya pinili.
"Kaya yan. Magagawa natin. Tiwala lang" pagpapakalma ko sa kanya. Halata na kasi sa mukha niya na hirap na hirap na ito sa ginagawa.
"Guys tapos na ko sa research paper. HAHAHAHHA. Iwan ko na kayo ah. Mukha kasing matatagalan pa kayo diyan sa ginagawa niyo."pagpapaalam ni Jack.
Andaya naman nito ni Jack, di na kami nahintay.
"Hintayin mo naman kami!"pakiusap ni Jenina.
"Aba."asik nito at dinilaan pa kami.
Kung pwede ko lang talaga siyang tirisin dito ay nagawa ko na. Kakainis siya parang di lalaki.
"HMMMP... Patrice mag-ccr muna ko. Ikaw muna dito ha? Naiihi na ako dahil sa topic na iyan. LECHE!!!"mahinahong sabi ni Jenina sa aking.
"What? Iiwan mo ako ditong mag-isa?"natatakot kong tanong sa kanya.
Nakakatakot dito sa loob kasi napakalawak nitong loob at napakatahimik. Worst, wala akong kasama dito sa loob.
"O sige na! Naiyak na pantog ko."sigaw niya at kumaripas na ng takbo.
Mga ilang sandali ay may narinig akong yabag na papalapit sa akin. Sobrang kaba ang aking nararamdaman. Parang sasabog na aking dibdib ko.
Nilingon ko ito ngunit nagtaka ako nang makitang wala namang tao.
'Imagination mo lang yan. Kalma!', sabi ko sa sarili ko.
Nang bumalik na ako sa pagkakaupo ay may narinig naman akong parang may nagtatype dahil sa ingay ng keyboard.
"May tao ba dito?" sigaw ko dahil sobrang kaba na ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...