Micah's POV
Lumabas na kami ng resort nila Paolo at Joanne.
"Bukas na lang kayo tayo maggala."natatakot na sabi ni Joanne. "May konting time pa naman tayo bukas di'ba?"dagdag niya pa.
"Panget na bukas kasi medyo mainit 'pag gumala tayo."mahinang bulong ni Paolo.
"Kaya nga. Bestieee kung ayaw mong sumama, doon ka na lang."giit ko sa kanya.
"Ayaw ko. Sige na, sasama na ako. Di na ako magiging KJ."nakangiti niyang pahayag habang nakapeace-sign.
Nagdala lang kami ng kanya-kanyang flashlight. Mahirap na, madilim ang paligid baka magkahiwa-hiwalay kami eh.
Malamig na hangin ang sumasalubong sa amin habang patuloy kaming naglalakad. Ang hanging ito ay nagbibigay kaba sa akin. Tumataas ang aking balahibo.
"Guys! Balik na tayo kinakabahan na ako dito eh"bulong ni Joanne na parang kinakabahan.
"Sabi sa'yo dapat di ka na sumama eh."sabi ko sa kanya at nilapitan ko siya ngunit si Paolo ay patuloy lang sa paglalakad.
"Eh tara na kasi. Parang naliligaw na tayo eh."saad ni Joanne.
Napansin kong nawala na sa paningin ko si Paolo. "Teka nasaan si Paolo? "tanong ko kay Joanne kaya naman napatakbo ako para hanapin siya.
Hindi ko napansin si Joanne.
__________________________________________________________________
Joanne's POV
Ano ba yan?
Ang dami daming damo rito sa gubat kaya ang kati sa binti. 'Ghad', sabi ko sa sarili ko.
Umupo muna ako saglit at inayos ang sintas ng sapatos ko. Nang makatayo na ako ay hindi ko na nakikita si Bestiee at Paolo.
"Guys! Nasaan kayo?"sigaw ko ngunit tanging kuliglig lang sumasagot sa akin.
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...