Patrice's POV
Nasaan na kaya talaga sina Micah. Sana naman ay okay lang sila kung nasaan man sila.
"Patrice, anong ginagawa mo dito sa labas? Hindi ka ba nilalamig dito o natatakot man lang?"tanong sa akin ni Migz. Nakaupo ako malapit sa pool. Tumabi siya sa akin at isinuot sa akin ang suot niyang jacket.
"Salamat ha?"sabi ko sa kanya."Kung mamamatay ka, mamamatay ka. Ganun lang yun kasimple. Hahaaaha. Di ako makatulog. Di ako mapalagay sa mga nangyayari. Iniisip ko kung aksidente lang ba ito o sadyang may pumapatay sa mga kasamahaan natin."sagot ko sa tanong niya.
"Don't worry, everything will be alright."nakangiti niyang pahayag.
"Alright? I don't think so. Tignan mo, anong oras na pero hindi pa rin bumabalik ang iba nating kasama"giit ko sa kanya.
"Wag ka ngang nega. Malay mo nahirapan l——-"hindi niya na natapos ang sinasabi niya nang biglang may tumalsik na isang bagay sa pool. Balot ito ng maruming damit. Agad naman kaming napatayo sa nakita.
"Ano yun?"tanong ko sabay turo doon.
"Joen! Frank!"sigaw niya sa mga ito kaya agad naman sila naalarma at pumunta sa direksyon namin.
"Tulungan niyo akong kunin iyon"ani Migz.
"Hindi na, ako na lang ang kukuha"sabi ni Frank.
"Sure ka ba? Ayaw mo na ng tulong namin?"paninigurado ni Migz.
"Oo"matipid na sagot ni Frank at tumalon na sa pool. Kinuha niya na ang bagay na iyon. "Ang baho naman nito."reklamo nito kaya naman nakunot ang noo ko.
Inilapag niya sa sahig ang bagay na iyon. Agad namang binuklat ito ni Joen at Migz.
Nagimbal kami sa nakita at napalayo kami dito. Halos bumaliktad na ang sikmura ko nang makita ko iyon. Ulo. Putol na ulo na kaibigan naming si Jack.
"Waaaaa"sigaw ni Frank kaya naman napalabas sina Melai at Gen. "Bumalik na tayo sa kwarto. Delikado tayo dito."giit ni Frank habang naluluha. Tinulungan namin siyang makaahon agad.
"Ayaw ko na dito"reklamo ko.
"Tama nga si Jack umalis na tayo dito"sabi ni Joen.
"Ha? Anong tama si Jack. Tignan mo, patay na siya. Pinugutan ng ulo."sigaw ko sa kanya.
"Pero yung mga sasakyan!"sabi ni Frank at tumakbo na kami palabas ngunit nanlambot kami sa nakita namin. Butas ang lahat ng gulong ng van.
"Halatang planodo 'to ah"hinuha ni Migz.
"Teka ano ba yung nakita niyo?"tanong ni Gen.
Agad naman akong lumapit sa kanila ni Melai at niyakap ko sila. "Wala na si Jack. Wala na siya."anunsyo ko habang naluluha.
"So ano na? Paano na? Hindi ba natin sila lalabanan. Hahayaan na lang ba natin silang patayin tayo?"sigaw ni Frank.
"Lalaban tayo."walang ekspresyong pahayag ni Migz.
Naghanap kami ng mga kagamitan na pwedeng ipanlaban sa kanila.
"Tao rin sila kaya kung ano ang nararanasan natin, maaari rin nilang maranasan"giit ni Gen habang naghahanap kami ng mga gamit.
"May nakuha ako ditong kutsilyo oh."natutuwang sabi ni Melai.
Nakita namin na pumunta sa direksyon namin ang mga lalaki. "Anong nahanap niyo?"tanong ko.
"Wala nga mga kutsilyo lang"dismayadong sagot ni Joen.
"Okay lang yan. Atleast may panlaban na tayo sa mga hinayupak na 'yon"bulong ko. Sa panahong ito kailangan na naming magtulong-tulong. Hindi na biro ang mga nangyayari, una nawala sina Micah, Paolo, Joanne at Ron tapos si Dane at Jack patay na.
__________________________________________________________________
Someone's POV
Sige mga tanga. Kalabanin niyo kami kung kaya niyo.
Kayo ang mga papahirapan namin. HAHAHAHAHA. Nakita ko na kinukuha nila ang bagay na pwedeng ipanlaban sa amin.
Hanggang sa magmakaawa na kayo para mamatay.
__________________________________________________________________
Thanks for reading.
VOTE and COMMENT :)

BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...