Micah's POV
Mga ilang sandali ay may pumasok. Isang lalaki na nakamaskara ito. Buhat-buhat nito si Rico.
"Hello, Micah! Nahanap ka na pala nina Abby!"bati sa akin nito.
"Sino ka ba?"tanong ko sa kanya.
"AHHHHHHHHH. Nasaan ako!?"sasagot na sana ang salarin ngunit may narinig kaming umungol.
"Teka si Paolo yun ah!"turan ko at pinilit kong silipin kung siya nga ba ito ngunir hindi nga ako nagkakamali.
"Paolo"tawag ko sa kanya at unti-unti siyang humarap sa akin.
"Micah"mahina niyang banggit. Alam kong nahihirapan siyang magsalita dahil pinahirapan yata siya ng mga demonyong mga 'to.
Mahirap sa aking nakikita ang kalagayan niya. Aaminin ko na may gusto ako sa kanya.
"Aw. Ang sweet niyo naman! Hahayaan ko na kayong magdrama dahil mamaya ay papatayin na namin kayo."nanunuyang pahayag ng salarin sa akin.
__________________________________________________________________
Third Person's POV
Sinilip muna ni Martin ang nangyayari sa loob. Nakita niya na kinakausap ng salarin si Micah.
"Guys! Sumugod na tayo baka saktan na nila si Micah"bulong nito sa mga kasama.
"Kaya natin ito!"sabi ni Patrice at dali-dali ng pumasok sa loob.
Nagulantang ang mga tao sa loob dahil sa kanilang ginawang pagsugod. Sinabunutan ni Gen at Melai ang lalaking salarin samantalang kinakalagan naman ni Martin si Micah.
"Aba. Aba. Ang lakas rin pala ng loob niyong sumugod dito!"nang-aasar na sigaw ni Abby at akmang kukunin niya na ang chainsaw nang bigla siyang sinaksak ni Patrice sa kanyang likod. "AHHHHHHHHHH"daing ni Abby.
"Tara na!"bulong ni Martin kay Micah.
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...