CHAPTER 6: Welcome to Slaughter World II

136 11 0
                                    



NOTE: Waaaaa. Di ako makatulog kaya, tutuloy ko na lang. HAHAHAHAHAH :D



__________________________________________________________________

Mon's POV



Nagkaroon na muli ako ng malay. Di ko alam kung nasaan ako pero ramdam ko pa rin ang hilo.



Madumi ang paligid, maraming alikabok at napakadilim. "Gising ka na pala"magalak na panimula ng lalaking nakamaskara.



Naanig ko na parang may kasama siya. Isa babae ito dahil sa suot niyang uniform.



"Ano bang kasalanan ko sa inyo?"nanghihina kong tanong. Di ko napansin na nakagapos pala ako habang nakatayo. Ramdam ko rin na napakarami kong pasa at sugat.



"Pakialamero... at marami pa"yung babae naman ngayon ang sumagot..



"Papatayin na ba natin 'to ?"tanong nung lalaki dun sa babae.



"'Wag muna."bulong ng babae sa lalaki.



Nawala naman ang kabang aking nararamdaman nang marinig ko iyon.




"Tara na muna. Iwan na natin yan dito! Kasama ng katulad niyang peste."parinig sa akin nung babae.



__________________________________________________________________



Nakalipas ang 5 araw



Micah's POV



Heto na ang araw na bibiyahe kami patungong Batangas.



Habang naghihintay kami sa mga sasakyan na gagamitin namin pang travel patungong Batangas.



"Hoy alam mo ba, Leslie. May nawawala pala tayong kaklase!"narinig kong sabi ni Melai kay Leslie. Si Melai, ang chismosa naming kaklase.



"Sino naman iyon?"sabat ni Patrice kasi parang hindi interesado si Leslie.



"Sina Kyla at Mon"sagot ni Melai.



"Totoo ba yun?"pati ako ay nakisabat na rin dala ng kuryosidad ko .



"Oo naman. Kailan ba ako nagkwento nang di totoo. Hmmm"giit ni Melai.



"Teka, matagal pa ba yung mga van?"pag-iiba ni Migz sa topic.



"Ilan ba iyong darating baka di tayo magkasya kasi andami natin oh."tanong ni Jenina.



"Dalawa daw."sagot ni Joanne.



Mga ilang sandali ay dumating na ang mga van.



"Guys halika na kayo sakay na kayo"aya ni Abby.



Dali-daling nagsisakayan ang mga kaklase ko.



Ang kasama ko dito sa van ay sina Joanne, Rico, Jack, Frank, Dane, Martin, Gen, Chris, Yngrid at Abby.



Sa kabilang sasakyan naman ay lulan noon ay sina Patrice, Melai, Migz, Jenina, Joen, Ron, Em at Paolo.



Katabi ko sa driver's seat si Rico, siya ang magmamaneho, sa amin kasi ay siya lang ang marunong drive.



Habang nasa byahe kami ay kulitan lang kami nang kulitan. Hagis ng chichirya dito, hagis chichirya doon.



Sumasabay rin kami sa saliw ng tugtog. Para na nga kaming mga baliw sa mga pinaggagawa namin dito sa loob ng van eh.



__________________________________________________________________



Someone's POV



Katext ko ngayon si Asdfghjkl. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mangyayari 'pag makapunta na kami sa Batangas.



Excited na excited na ako.



Ini-imagine ko na kung gaano karaming dugo ang sisirit kapag ginilitan ko sila ng leeg isa-isa.



Iniisip ko na rin kung paano sila magmamakaawa para sa buhay nila.



Hindi na ako makapaghintay.



Sige mag-enjoy kayo ngayon, at mamaya ako naman ang mag-eenjoy. HAHAAHAHA.



__________________________________________________________________



Thanks for reading.



VOTE and COMMENT :)


That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon