MICAH'S POV
Nakarating na kami sa resort na pagmamay-ari nila Abby.
"Guys, nandito na tayo" anunsyo ni Abby at nagsigawan na ang iba.
Nilibot ko ng tingin ang paligid, parang ito lang ang resort sa lugar na ito, wala ring mga bahay. Puro puno lang ang nakapaligid sa resort.
May natanaw ako di kalayuan. May isang kubo pala dun sa gilid ng gubat.
"Pasok na tayo"ani Abby.
Pagpasok namin sa loob ay natuwa ako. Napakalawak ng paligid. Mayroong tatlong swimming pool ang resort. Dalawang floor naman ang mga rooms.
"Gusto ko dun sa taas, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin."masayang sabi ni Ron at umakyat na siya sa taas.
Yung iba naman nagpalit na para makapag-swimming.
"AbBe. Happy Birthday!"bati ko sa kanya at iniabot na ang regalo ko para sa kanya.
"Happy Birthday din at ito rin ang gift ko para sa'yo"nakangiting sabi ni Joanne.
"Aww. Kakatouch naman."maarteng pasasalamat sa'min ni Abby. Kahit maarte yan, mahal namin yan.
__________________________________________________________________
Medyo madilim na sa labas. Kaya malakas na ang hangin, nasa kagubatan pa naman kami.
"Guys di ba kayo nilalamig diyan?"tanong ni Melai sa mga kasamahan namin na patuloy pa ring nakalublob sa tubig.
"Aba, minsan lang naman 'to eh kaya enjoy-in na."sigaw ni Joanne. Kami nina Melai, Frank at Paolo ay umaahon na dahil di na namin kaya ang lamig.
"Guys, tingin dito!"ani Abby habang hawak ang monopod.
"Oy wait sali kami diyan"sabi ko at lumublob din sa tubig kahit sandali para lang makapag-selfie.
Wieeeeee. Ang lamig talaga pero 'pag matagal ka na palang nakababad ay hindi na.

BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...