Paolo's POV
Pinatakbo ko na sila Melai at Micah. Mas pipiliin kong ako na lang ang masaktan kaysa ang babaeng mahal ko na si Micah.
"Masyado kang epal, Paolo!"sigaw ni Abby at itinutok na sa akin ang baril.
"Sige iputok mo! Iputok mo!"bulyaw ko sa kanya at dahan-dahang lumapit sa kanya.
Umiling-iling siya at binaril ako sa balikat. "AHHHHHH"bulong ko dahil sa sakit na aking nararamdaman. "Ano? Hanggang diyan lang ba ang kaya mo Ha?"tanong ko sa kanya at marahas niyang inihampas sa mukha ko ang baril. Nakita kong tumakbo siya sa direksyon na pinuntahan nina Micah.
"Kailangan ko silang mailigtas"sabi ko sa sarili. Kapag may nangyaring masama sa kanila ay hindi ko makakaya.
__________________________________________________________________
Third Person's POV
Mabilis tumakbo si Frank kaya madali niya lang mahabol ang kanyang mga magiging biktima.
"Ahhhhh"biglang tumili si Yngrid dahil sa hindi inaasahang pagkakadapa.
Nilingon siya ni Martin at agad na tinulungan ngunit hindi nila alam na malapit na sa kanila si Frank.
"Ilag!"utos ni Martin kay Yngrid at mabilis silang umilag sa chainsaw samantalang sina Patrice at Migz ay patuloy lang sa pagtakbo.
Muli uling pinagtangkaan ni Frank ang buhay ng dalawa ngunit mabilis silang nakailag at nakatakbo.
"Puta! Tsk."bulong ni Frank dahil unti-unti ng nakakatakas ang mga biktima nila.
Natanaw ni Frank na huminto sa pagtakbo sina Patrice at Migz kaya naman napangiti siya at dali-daling pumunta sa direksyon ng mga ito.
"EEEEEEEHHHHHHH!"hiyaw ni Patrice nang makitang nasa likod na nila si Frank.
Itinusok ni Frank ang chainsaw sa binti ni Migz. "Wahhhhhh!"inda ni Migz sa kanyang sugat kaya agad niyang sinuntok si Frank sa mukha kaya bahagya itong napaatras.
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...