NOTE: YO! Mga ilang chapters na lang siguro 'to at patapos na T_T XD. Hahahaha. Btw, ENJOY READING :D
__________________________________________________________________
Third Person's POV
"Micah! Tara. Kaya mo yan. Kailangan na talaga nating makatakas rito."bulong ni Paolo kay Micah habang inaalalayan sa pagtayo.
Hindi na muli sila babalik sa resort kundi lalabas na sila sa kagubatan ngunit hindi naman nila alam ang labasan at ang masaklap ay malayo-layo pa ang kanilang tatakbuhin para lumabas.
Muli na namang nagpaputok ng baril si Abby. Sunod- sunod ito dahilan para maghiwa-hiwalay na ang magkakaibigan.
Sina Paolo, Micah at Melai ang magkakasama. Nagtago sila sa malalaking puno ng kagubatan upang hindi sila matamaan ng baril. Takbo lang sila ng takbo.
Sina Patrice, Migz, Martin at Yngrid naman ang magkakasama, hindi nila alam kung saan pupunta.
__________________________________________________________________
Micah's POV
Hindi na namin alam kung saan kami pupunta. Ang alam lang namin ay dapat naming iwasan ang mga putok ng baril.
Iilan na lang kaming natitira. Marami na pala ang napatay nila. Parang hindi na siya si Abby o sadyang mali lang ang pagkakakilala ko sa kanya.
Paika-ika na akong maglakad dahil sa sakit ng binti ko.
"Kaya niyo pa ba?"tanong sa amin ni Paolo.
"Kakayanin."sabay naming sagot ni Melai.
"HINDI NIYO KAMI MATATAKASAN. AHAHAHAAHAHAHAHA"may narinig kaming sumisigaw kaya naalarma kami at mas binilisan ang pagtakbo.
*BANG BANG BANG BANG
Nakarinig kami ng sunud-sunod na putok ng baril tanda na nakasunod sa amin si Abby.
*BANG
Nakita kong natamaan si Melai sa likod kaya naman itinulak ko siya para mapada. Dumapa na rin ako upang makaiwas sa mga putok na pinapakawalan ni Abby.
"Grabe naman yang baril ni Abby hindi nawawalan ng bala"biro ni Melai. Ang lakas talaga ng loob ng babaeng 'to, nagagawa niya pa talagang magjoke sa ganitong sitwasyon.
"Tara na! Maabutan niya tayo kung dadapa lang tayo rito!"aya ni Paolo sa amin.
Pagtayo namin ay nakarinig kami ng malakas na yabag. "At saan kayo pupunta?"tanong nito.
"Sa impyerno!"sagot ni Paolo at sinubukang agawin ang baril kay Abby. "Melai! Micah! Takbo na"sigaw nito sa amin.
Inalalayan namin ang isa't isa. Parehas kaming may tama sa binti kaya hirap kami sa pagtakbo.
"Melai. Kakayanin natin 'to ha? 'Wag kang susuko. Lalaban tayo hanggang sa huli."ani ko.
"Syempre naman. Aba, nakasurvive nga ako nang ilang oras eh ngayon patapos na."katwiran niya.
Sa aming pagtakbo ay nakakita kami ng ilog. "May ilog dito!?"pagtataka namin.
May nabuong plano sa aming isip.
__________________________________________________________________
NOTE: Guys! Sorry hanggang dito muna ang update. May pupuntahan kasi kami ng pamilya ko ahahaahaha. COMMENT NA LANG KAYO!
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...