CHAPTER 11: That Thing Called 'PATAYAN'

127 8 1
                                    



Frank's POV



Nakita ni ko na may nakatayong tao sa tapat ng kwarto ng mga kaibigan ko at ang mas masama pa ay may hawak itong deadly weapon.


Lakas loob ko siyang sinigawan. "Hoy! Layuan mo ang mga kaibigan ko"sigaw ko sa kanya.



Humarap ito sa akin at agad siyang tumakbo patungo sa direksyon ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakasuot nakasuot siya ng maskarang puti na may bahid ng dugo.



Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa second floor. Madulas ang mga sahig dahil basang - basa ito ng tubig.



Laking gulat ko nang bigla na lang akong nadulas. Hindi ko namalayan na malapit na sa akin ang killer.



Akmang tatayo na ako ng bigla niyang saksakin ang kamay ko. Kitang-kita ko na tumagos ang kutsilyong hawak niya at hinugot muli ang kutsilyo at tinaga ako sa mukha. Hindi naman ito masyadong malalim kaya kaya ko pang tiisin ito ngunit ang sugat sa kamay ko ay hindi.



Iniwan niya ako at kinuha ang chainsaw'ng hawak niya at binalikan ang mga kaibigan.



"AHHHHHHHHHH"sigaw ko dahil sa sakit. Ayaw ko pa naman sa dugo ngunit nakikita ko ito ngayon at sa mismong katawan ko pa lumalabas pero kailangan ko munang tulungan ang mga kaibigan ko dahil maaari silang pamahamak.



__________________________________________________________________



Third Person's POV



"Di'ba si Frank iyon?"tanong ni Dane. Kinakabahan siya sa kalagayan ni Frank dahil matagal na siyang may lihim na pagsinta dito.



"Parang pero delikado kung lalabas tayo. Naniniwala akong kaya niya na ang sarili niya."pagpapakalma ni Joen kay Dane.



Hindi pa rin talaga makapanatag ang kalooban ni Dane lalo na nang marinig niyang sumigaw ang binata.



"Oh my god!"bulong ni Dane sa sarili.



"Kailangan natin siyang tulungan. Lalabas ako!"sigaw ni Dane.



"Dane, delikado. Kumalma ka nga."bulyaw ni Gen dito, halatang galit na si Gen kaya nasampal niya si Dane ngunit parang balewala lang ito kay Dane.

That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon