EPILOGUE

107 9 0
                                    



Martin's POV



Kasalukuyan na kaming nasa ospital, ginagamot na ang mga sugat na aming natamo sa krimeng ginawa ng mga kaklase ko.



Agad kong kinapa ang cellphone ko at kinuha mula sa bulsa ko. Tinawagan ko si Mommy. "Hello, Mommy!"panimula ko.



"Hello, ANAAAAK! Napanood ko yung balita na nasangkot daw kayo sa massacre? Ano? Okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Mommy kaya naman napangiti ako dahil may pake na siya sa akin. Dati kasi mas priority niya pa ang kanyang trabaho kaysa sa akin.



"Okay lang po ako. Konting galos lang naman ang natamo ko."sagot ko kay Mommy.



"Konting galos eh nabaril ka. Ulol!"bulong ni Yngrid at binigyan ako nang nakakalokong ngiti.



"O sige mommy, mamaya na po ako magk-kwento 'pag nakauwi na po ako diyan. Bye"pagpaalam ko kay Mommy at agad ko ng in-end call ang tawag.



Pagkatapos gamutin ang sugat ko ay pumunta ako chapel ng ospital upang magpasalamat sa Panginoong Diyos dahil binuhay niya ako.



"Lord, maraming salamat po at binigyan niyo po ako ng pagkakataong mabuhay muli"mataimtim kong dasal.



__________________________________________________________________



Lumabas na ako sa chapel at nakita ko si Paolo na hindi mapakali. "Uy! Okay ka lang?"tanong ko sa kanya.



"Di'ba mabubuhay si Micah. Di'ba?"naghihisterikal na siya dala ng sobrang takot at kaba."Sabihin mo magiging okay siya!?"sigaw niya sa akin.



"Ano ba? Paolo pwedeng kalma ka lang."sita dito ni Yngrid.



"Palibhasa wala ka sa posisyon ko kaya nasasabi mo yan."katwiran ni Paolo.



"Mahal din namin siya Paolo kaya alam namin yang nararamdaman mo!"sabi ko sa kanya.



"Dapat nga magpasalamat kasi nabuhay ka eh. Nabuhay tayo!"dagdag pa ni Yngrid sa sinabi ko.



"Kung mawawala rin siya ay wala ring saysay ang buhay ko"giit ni Paolo. Natutuwa naman ako dahil ngayon ay nagkaroon din ng ekspresyon ang kanyang panananilata at hanga ako sa kanya dahil mahal na mahal niya talaga si Micah.

That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon