Patrice's POV
Kailangan na talaga namin silang labanan. Hindi kami pwedeng tumunganga lang dito.
"Alam niyo ba kung saan yung ruta nila?"tanong ni Melai.
"Ahhh. Naglibot din ako kanina dito at may nakita akong isang bahay kubo sa gitna ng kagubatan. Baka iyong ang kanilang lungga?!"suhestyon ni Martin.
"Kunin na natin ang lahat ng bagay na maaaring makatulong sa atin para labanan sila."bulalas ko.
"Kailangan ba talaga natin 'tong gawin?"nag-aalalang pahayag ni Gen.
"Alam kong ayaw mo pang mamatay, Ganun din kami. Pare-pareho lang natin gustong mabuhay kaya nga lalabanan natin sila. Kung hindi tayo lalaban, magtatagumpay sila na mapatay tayong lahat!"paliwanag ko sa kanya at napabuntong hininga na lang siya habang hinahanda ang mga gagamitin.
Naglakad kami patungo doon sa sinasabi ni Martin na kubo. Napakadilim na ng paligid. Sa aming paglalakad ay nakita namin ang bangkay ni Jenina, ang bangkay ng bestfriend ko.
"Jenina!"bulong ko at niyakap ang malamig niyang bangkay. "Hayup sila. Papatayin ko silang lahat."mahinang sabi ko habang nakatulala.
"Tara na Patrice!"aya sa akin ni Martin.
"Ibig sabihin ba nito baka tayo na lang ang natitira dito?"naiiyak na tanong ni Gen.
"HINDI!"sigaw ko. "Buhay pa si Migz nung nakuha siya kaya hindi lang tayo ang nabubuhay dito."dagdag ko pa.
Natanaw na namin ang naturang kubo. Maliwanag sa loob, alam ko.
"Tara na!"senyas sa amin ni Martin kaya dahan-dahan kaming lumapit sa kubo na iyon. Hahanap kami ng malinis na pagkakataon para sugurin sila. Hindi kasi pwedeng sumugod na lang kami basta-basta.
__________________________________________________________________
Micah's POV
Nagkaroon na muli ako nang malay. Tinignan ko ang paligid, parang wala namang nabago kundi may isang babae lang na nakatayo sa harapan ko.
"Abby! Paano mo nagawa ito?"turan ko sa kanya. Napansin kong nakatali pala ako sa isang upuan.
"Ha? Paano ko 'to nagawa? Dahil sa'yo...!"sigaw niya sa akin.
"Anong ginawa ko sa'yo?! Bakit ako?"nagtataka kong pahayag.
"Kasi makasarili ka! Dapat dati kami lang dapat ni Joanne"giit niya at sobra akong nasaktan sa sinabi niya. Simula nang mangyari ang bangungot sa aming buhay ay kinalimutan ko agad iyon at itinuring ko sila bilang kapatid ko na.
__________________________________________________________________

BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...