NOTE: Gusto ko lang pong linawin na patay na po si Chris ha? Hahahahaha.
GE. Enjoy reading :D !
__________________________________________________________________
Someone's POV
Dadalhin ko na ang mga nabihag ko sa ruta namin. Wala silang malay kaya madali ko lang silang nadala doon.
Nang makarating na ako sa ruta ay nakita ko doon si ASDFGHJKL. Mukhang galit siya.
"Anong sabi ko sa'yo?"sigaw niya.
"Aba, malay ko ba! Pasensya! "giit ko sa kanya.
"Hindi ka sumunod sa usapan!"walang emosyong sabi nito."Sinaktan mo siya!"dagdag pa nito.
"Ano ba? Guys! Shut up nga. Ang iingay niyo eh. Pwede ba kalma. Malapit na natin 'tong matapos."sabat ni ZXCVBNM. "At tsaka magsalamat ka nga sa kanya ASDFGHJKL kasi siya ang nagpakahirap para pumatay nang pumatay at tayo umaarte lang para hindi tayo mahalata."ani pa nito.
"Hindi ako umaarte. At isa pa siya lang naman talaga ang may gustong pumatay sa may kasalanan pero kung wala yan eh di sana ako na lang ang pumapatay. Alam mo naman na kasiyahan ko ang pumatay. Hindi ba?"walang emosyong sabi ni ASDFGHJKL.
"Okay. Talo na ako!"bulong ko. "Kung gusto mo ikaw ang pumatay kay Joanne at mamaya na 'tong isang epal na ito!"asik ko at bigla naman siyang napangiti. Kilala ko na siya, pagpatay lang ang gusto niya sa buhay niya. Hindi lang namin alam kung bakit. Ilang beses na namin siyang tinanong ngunit ayaw niyang sabihin. Baka may sira lang siya sa utak.
__________________________________________________________________
Third Person's POV
Hinintay munang magising ni ASDFGHJKL si Joanne bago ito pahirapan. Gusto niya kasing madama talaga ng biktima niya ang hirap.
"Joanne! Masarap ba ang tulog mo?"nanunuyang tanong nito kay Joanne. Napansin niya kasing nagising na ito. Nakatali si Joanne habang nakatayo.
"Sino ka?"bungad ni Joanne.
"Hindi ito ang panahon para mag-Q and A tayo!"sabi ng salarin.
Inilabas ng salarin ang isang malaking gunting at kutsilyo. Itinutok ng salarin ang kutsilyo sa pisngi ni Joanne.
"Anong gagawin mo?"Joanne.
"Hahasain ko sa mukha mo!"bulong nito kay Joanne. Mas idiniin niya ang kutsilyo sa pisngi ni Joanne dahilan para magsilabasan ang mga dugo ni Joanne sa pisngi.
"Sige! Patayin mo na ako!"walang ekspresyong saad ni Joanne.
"Wag ka ngang excited! Wag kang mag-apura at darating tayo diyan"natatawang sabi ng salarin.
"Mas gusto ko ng mamatay kasi pahirapan mo!!"sigaw sa kanya ni Joanne at bigla siyang dinuraan nito.
"Tsk!"daing ng salarin sa ginawa ni Joanne. "Hayup ka!"inis na wika ng salarin at sinaksak si Joanne sa kanyang tiyan at iniikot niya ito para maramdaman talaga ni Joanne ang sakit.
Napabunton-hininga lang si Joanne sa ginawa ng salarin. Ayaw niyang makita ng salarin na nahihirapan siya dahil 'pag ginawa niya iyon alam niyang matutuwa ito dahil dumaing siya.
Ang masaktan lang ang biktima at sabihin sila na 'DEMONYO' at 'HAYUP ay compliment para sa kanila.
"Hindi ka talaga nasasaktan na babae ka ha?"bulong ng killer sa sarili at kinuha niya ang malaking gunting. "Gugupitin ko na yang dila mo tutal ayaw mo rin namang magcomment sa ginagawa ko"ani ng killer at hinila niya dila ni Joanne at ginupit na para lang isang papel. Napakahayop ng killer.
"HAHAHAAHAHA"isang tawa lang ang iginanti ni Joanne. "Kahit anong gawin mo hindi ako masasaktan!"bulong nito kahit hirap mang magsalita.
"Pinapainit mo ang ulo kong babae ka!"bulyaw ng salarin at kinuha niya ang chainsaw. Pinaandar niya ito at dali-daling itinusok sa bandang tiyan ni Joanne.
Maraming dugo at laman ang nagsitalsikan. Nawalan na ng malay si Joanne ngunit nakangiti ito bago mamatay, bagay na ikinagalit ng killer.
"UHHHHHHHHHH"asik ng killer at buong pwersang ibinato ang chainsaw. "UHHHHHHHHHHHHHHHH"sigaw niya muli at pinagsusuntok ang bangkay ni Joanne.
"Tama na, ASDFGHJKL"awat sa kanya ni ZXCVBNM ngunit nagpumiglas lamang ito at bumalik na sa resort.
__________________________________________________________________
Siguro may mga suspects na kayo ano?
Thanks for reading.
VOTE and COMMENT :)
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...