Chris' POV
Hmmmmmmmm...
Ano kayang gagawin 'nila'?
Di ko muna ito pinansin baka mag-uusap lang sila. Hahahaha.
Inalis ko muna ang atensyon ko sa 'kanya' at kay Ron.
"Wohooooooooooo. Ang saya dito. We're freeeeeeeee!"sigaw ni Rico. Halatang enjoy na enjoy sila sa pags-slide.
"Chris, bakit ayaw mong mag-slide?"tanong sa akin ni Micah.
"Ayaw ko. Natatakot ako sa slides. Hahahaha. Dati kasi nagslide ako nung bata ako, dumagabog yung puwit ko kaya ayaw ko na ulit magslide."sabi ko kay Micah.
"Ay Hahahaahaha. Sige, ahon na ako. Nilalamig na ako eh."paalam ni Micah at tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
Mga ilang minuto ay lumabas na 'siya' sa kwarto ni Ron. Pinagdududahan ko na 'siya' simula nang magpunta kami dito sa resort. Iba na ang kinikilos 'niya' eh.
Kaya kailangan kong mag-ingat sa 'kanya'
__________________________________________________________________
Micah's POV
"Yngrid, saan ka galing?"tanong ko sa kanya kasi napansin kong kabababa pa lang niya mula sa second floor.
"Ah eh... may kinuha lang ako. Eh wala doon eh. Kaya hinahanap ko kung nasaan."nauutal niya sagot sa tanong ko.
"Ah okay. Gusto mo tulungan na kitang maghanap?"suhestyon ko para malaman ko kung ano ang hinahanap nya o mayroon ba talaga siyang hinahanap. Medyo may kakaiba kasi sa mga kinikilos niya eh.
"ah... ako na lang."mahinang sabi niya at tumakbo na.
"Micah"may tumawag sa akin kaya agad ko itong nilingon.
"Paolo? Bakit?"tanong ko sa kanya. Bihira niya lang akong kausapin kaya nagtaka ako nang tinawag niya ako.
"Gala tayo. Habang 5:30 pa lang."aya niya sa akin kaya naman napangiti na lang ako.
"oh sige ba!"magalak kong pagpayag dahil medyo nababato na rin ako dito.
"Bestieeee. Pwedeng sumama?"tanong ni Joanne.
Nagkatinginan lang kami ni Paolo.
"Sige na."walang ekspresyong sagot ni Paolo.
"Guys, san kayo pupunta?"nakasalubong namin si Martin.
"Teka bakit parang di ka pa basa. Di ka pa ba naliligo sa pool?"pagtataka ko.
"Ah. mamaya na lang. Nilibot ko lang ang lugar na'to buti nga di ako naligaw eh."palusot niya at binigyan kami ng malakahulugang ngiti.
__________________________________________________________________
NOTE: Sorry medyo maikli ang chapter na ito.
Thanks for reading.
VOTE and COMMENT :)
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...