TTCP BOOK 2

29 2 0
                                    

Dito ko na lang din ilalagay yung book 2 para cool haha.

***

00

Prologue

"HINDI niyo ako maiisahan, di kayo maaaring makawala!", bulong niya sa kanyang sarili at dahan-dahang hinugot ang baril mula sa kanyang likurang bulsa. "Wala ka ng kwenta! Mamamatay ka na rin tulad nila.", sigaw pa nito

Mabilis ang mga pangyayari.

Bumagsak ang katawan ng babae sa lupa at panay ang pag-agos ng masaganang dugo sa kanyang tagiliran. Ilang sandali ay bigla na lamang itong nawalan ng ulirat.

DAHAN-dahang idinidilat ng dalaga ang kanyang mga mata. Tila nasilaw siya sa liwanag mula sa kanyang itaas.

"Hija......" mahinang tawag sa kanya ng babaeng nakasuot ng puting damit at maayos na nakatali ang kanyang itim na buhok. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong pa nito ngunit hindi siya nakakakuha ng sagot mula sa dalaga.

Malabo ang paningin ng dalaga dahil na rin sa sobrang sakit ng kanyang ulo at hindi maaninag ang mukha ng babae. Pinilit niyang tumayo ngunit masyado pa siyang mahina kaya naman napahiga na lamang muli siya at inalalayan ng babae. "Nasaan po ako?" naguguluhang tanong nito at pinagmasdan ang paligid.

"Sino ka? Nasaan ako? Si kuya?" sunud sunod na tanong nito at bahagyang nakaramdam siya ng kirot sa kanyang tagiliran kaya naman madiin siyang napapikit.

"Hija huwag kang mag-alala! Nandito ka sa hospital at ligtas ka na. Nakontak na rin namin ang magulang mo at maya-maya'y nandito na rin sila" nakangiting sabi ng babae para mapagaan ang loob ng dalaga. "Nandito nga ang mga pulis upang magtanong kung anong nangyari sa iyo? Sa mga kaibigan mo? May natatandaan ka ba?" mahinahong tanong ng babae na masasabing nurse dahil sa ayos at suot nito.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang umiyak ang dalaga at nagsisigaw. "Hindi!! Sasaktan nila kami! Ahhhhhh" hiyaw ng dalaga at pinagpapalo ang kanyang kamang kinahihigaan.

"Sino? Sino ang may gawa sa inyo nito?" usisa ng isang pulis at isa pang pulis ay may hawak na maliit na notebook at inaabangan ang magiging sagot ng dalaga para itala sa kwaderno.

"Wala! Wala akong kasalanan!!!" pagwawala nito at dali-daling umupo mula sa kanyang pagkakahiga. Inaaalalayan siya ng nurse na hawak-hawak ang braso nito.

Ilang sandali ay tila ba nagbago ang ihip ng hangin at dahan-dahang luminga ang dalaga sa paligid na animo'y sinisigurong walang makakarinig sa kanya. "Wag kayong maingay ha? Sa atin lang 'tong sasabihin ko ha?!" tila ba parang isang batang bilin nito sa nurse at sa mga pulis.

Yumuko ang dalaga at tumingin sa kanyang tabi na parang may kausap. "Sisimulan ko na! Basta sunod nito, wala ng uwian ha?!" dagdag nito na nagparamdam ng kilabot sa mga kausap nito.

END OF PROLOGUE

__

A/N

Typographical errors and bad words ahead.

That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon