Micah's POV
Mga ilang minuto rin kaming nanahimik sa van kasi medyo nahilo na rin kami sa biyahe. Patigil-tigil kasi ang takbo ng sasakyan dahil sa traffic.
Kahit nga si Rico halata mong hilo na sa biyahe. Ang ilan sa'min ay nakatulog na, yung iba naman na gising ay nagsound trip na lang.
"Rico, ano kaya pa. Hahahaaha"biro ko sa kanya dahil papikit-pikit na siya tanda na inaantok na nga talaga siya.
"Kakayanin."nakangiti niyang sagot.
"Aba marunong ka na palang ngumiti ngayon ah. Dati-rati, lahat yata ng kaklase natin kagalit mo. Hahahaahah"sabi ko sa kanya. Kinakausap ko siya ngayon para naman kahit papaano ay mawala ang kanyang antok.
"Sino bang nagturo sa'yong ngumiti?"dagdag ko pa sa sinabi ko.
Si Rico naman, natatawa lang. "Naisip ko lang na masaya palang mabuhay 'pag nakikita kita"bulong niya sa akin.
'Whut? Pinagsasasabi nito?' isip-isip.
"Ikaw ha? Di mo sinabi na joker ka pala."natatawa kong sabi sa kanya.
"Totoo 'yon"mahinang banggit niya sa akin.
Ano ba? Leche naman. Uupakan ko na 'tong gagong 'to eh. Kung ano-anong pinagsasabi.
__________________________________________________________________
Joanne's POV
Nakikita ko ang bestiee ko na nakikipag-usap kay Rico kaya naman, bahagya akong napangiti.
"Yngrid, ano ba? Sino ba yang katext mo?"tanong ni Dane dito.
"Si Em ba yan?"dagdag ni Frank sa sinabi ni Dane.
"Hindi ah. Ewwwwwww!"maarteng sabi ni Yngrid.
"By the way guys, tignan niyo si Rico at Bestiee parang ang saya-saya"mahinang bulong ko sa kanila para hindi ako marinig ni Micah at Rico.
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...