Bumalik na ulit kami ni Youngjae sa dating kami. Hindi niya laging binabanggit ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin pero sinasikap niyang ipadama ito sa akin.
"Yung tungkol nga pala sa standee mo, totoo ba talagang nabubuhay yun?" Tanong nito.
"Ewan ko kung maniniwala ka, pero totoo yun. Naaalala mo ba ung damit mo dito sa kwarto? Yung may hoodie? Sinuot niya yun nung minsang lumabas kami para pumunta sa amusement park." Sabi ko
Pumunta ako sa closet ko at kinuha ang damit na yun. "Ayan, amuyin mo. Ibang amoy hindi ba?" Sabi ko ng iabot ko sa kanya ito at inamoy niya naman.
Kumunot ang noo nito at tumingin sa akin. "Hindi ito ang pabango ko. Bakit pinasusuot mo sa iba ang damit ko? At bakit lumalabas ka sa gabi kasama ang lalaki?"
"So naniniwala ka na?"
"Hindi parin. Malay ko ba kung ibang lalaki talaga ang kasama mo."
"Edi ikaw ang bahala. Basta pag nagkita kami ni Sehun isasama kita at ikaw mismo ang umamoy sa kanya para mapatunayan kong siya ang nakakasama ko."
"Bahala ka nga. Basta imposible talagang mabuhay ang isang standee."
I just shrugged.
Bahala na siya kung maniniwala siya o hindi.
"Bumalik na pala si Sehun. Ano magkikita ba kayo?"
"Hindi ko alam. Parang gusto ko naman kaso lang natatakot ako na baka totoong may kasama siyang kadate sa America. Hindi ko kaya Jae."
"Kakayanin mo. Natural artista yan..Hindi natin alam kung ano ang tinatakbo ang utak niya. Masasaktan ka pero masasanay ka rin..parang ako lang yan sayo." I glared at him dahil sa huli niyang sinabi. Ibalik ba naman sa amin -___-
"Joke lang. Example lang naman yun." He said.
" Pero kung gusto mo talagang malaman, tapangan mo ang loob mo at itanong sa kanya ang totoo. Kung sinabi niya nga talagang gusto ka niya nung huling beses palang kayong nagkita eh dapat hindi siya nagsasama ng kung sino sa trip niya sa ibang bansa hindi ba? Parang ako lang nung hiniwalayan ko si Stef."
"Ano? Ako ba ang dahilan ng break-up niyo?" He nodded.
"I broke up with her because I've felt that I'm unfair sa relationship namin. Habang tumatagal ay narerealize kong I love you more than her at ayaw kong dumating ang panahon na mas masasaktan siya." He explained.
" Alam niya bang ako ang babaeng yun?"
"Oo."
"WHAT?!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Standee
Fanfiction"I just woke up in the middle of the night having the ultimate love of life talking to me...I must be dreaming or I'm just talking to his standee." -Jeon Hye