Chapter 5 (Surprise Visit)

213 15 2
                                    

Young Jae's P.O.V.

Papunta na ako kela Jeon Hye para sunduin na siya papunta sa school. Gusto ko rin sana siyang makausap para makapag-sorry sa inasal ko kagabi sa kanya. Hindi ko lang napigilan yung sarili ko na makapagsalita ng mga yun sa kanya, I swear hindi ko sinasadya. Nalungkot lang ako dahil nawala yung bracelet na binigay ko sa kanya nung nakita niya si Sehun. Feeling ko tuloy mas mahalaga talaga yung artista na yun kesa sa akin na bestfriend niya. Yes, as a bestfriend for a long time ay nagseselos ako. Sorry for being selfish pero.. I love her, not just a friend but more than that. Syempre another one-sided-love story na naman ito.

Nagdoor bell ako sa gate nila Jeon Hye at maya-maya ay lumabas ang Mama niya.

"Good morning po Tita. Ready na po ba si Jeon Hye?" I smiled.

"Hi Ijo. Susunduin mo pala siya? Sabi niya ayaw ka daw niyang maabala ngayon kaya naman umalis na siya. Ang agap niya ngang umalis eh. Okay lang ba kayong dalawa?" Tanong nito. Kilala niya talaga kaming dalawa.

"Uhmm..kasi po may tampuhan kami ngayon. Pero Tita don't worry po, magiging okay din po kami, maliit na gusot lang naman po yun." Sagot ko.

"Natural lang naman sa magkaibigan yan. Basta sure kang ok lang ha?" Aniya.

"Opo. Promise Tita. Sige po aalis na po ako. Bye po." I waved goodbye and went inside my car.

-----

Pagpark ko ng sasakyan ay dumaretso na ako sa may lobby ng university. Bakit ang ingay at ang daming tao dito? Anong meron?

"Sehun!!!! Tumingin ka naman dito please!" Sigaw ng isang babae.

"Sehun? Andito siya? Anong ginagawa niya dito?"

Naglakad ako sumiksik sa mga tao para makapunta sa nagkukumpulan na tao. At sa gitna nun ay nakita ko si Sehun na may hawak na cake at nakaharap sa babaeng nakatalikod sa akin.

"I know it's kinda late but...Happy Birthday Jeon Hye." Aniya. Si Jeon Hye yung babae? D____o

------

Jeon Hye's P.O.V.

Umalis ako ng maagap sa bahay para hindi na ako maabutan ni Jae doon. Nahihiya kasi ako sa kanya, baka maging awkward lang kami sa kotse niya kung sasabay ako. Tsaka I know na galit siya sa akin, ganun kasi ako kapag nagtatampo yun sakin, ako ang umiiwas. Sounds childish pero yun na ako eh..ayoko kasi lalo siyang mainis sa akin kapag nakita pa ang pagmumukha ko. Takot akong masigawan xD

Habang nasa may locker ako ay nakita kong nagtatakbuhan ang mga tao papunta sa may lobby at nagsisigawan. Shet! May sunog ba?

Hinarang ko ang isang estudyanteng tumatakbo rin. "Miss, wait. Anong nangyayari? Bakit kayo tumatakbo?" Tanong ko.

"Ano ka ba..hindi mo ba alam? Si Oh Sehun, yung artista..nasa lobby siya ngayon!" Sagot nito at tumakbo na paalis.

"Si Sehun? An-dito?"

Hindi ko na napigilan at tumakbo narin ako papuntang lobby.

"Excuse me. Excuse me po, makikiraan." Sabi ko habang nakikipagsiksikan sa mga tao sa lobby.

Nang makalusot ako sa mga taong yun. And yes! Si Sehun nga! Nakatayo sa gitna. Grabe hangover ko ba ito sa concert kagabi?

"Hi Sehun! May show ka ba dito? Why are you here?" Tanong ng isang estudyante. She giggled at tila nagpapacute.

"May hinahanap kasi ako, dito daw yun nag-aaral." He answered smiling.

"Sino kaya yun?" Tanong ng mga katabi ko.

May hinahanap si Sehun? Sino kaya? Lumilingon siya kung saan para hanapin ang sinasabi niya. Yumuko ako dahil bigla akong nalungkot. May hawak pa siyang cake, ang swerte naman nun. Hayyyy.

"Oh there you are. Nakita na rin kita." Ani Sehun. Inangat ko ang ulo ko at shocks..sa akin ba siya nakatingin?

"A-ako?" Tinuro ko ang sarili ko at napakamot sa ulo.

"Yes. You. Hi Jeon Hye." Aniya.

"Grabe Jeon Hye ikaw pala ang hinahanap niya. Ano pang hinihintay mo? Go! Puntahan mo na siya." Ani classmate ko na katabi ko pala.

Unti-unti akong humakbang papalapit sa kanya.

"Kilala mo ako?" Tanong ko.

"Of course I know you. You're the girl at the concert di ba? Yung may birthday?"

I nodded.

"I know it's kinda late but...Happy Birthday Jeon Hye." Aniya. At inabot sa akin ang cake na hawak niya.

"Salamat." I smiled.

"Walang anuman. Ay, pwede ba kitang makausap?" Aniya.

"Oo naman." Sagot ko. Magpapakipot pa ba ako? Hahahaha!

"Okay.. let's go?" He lend me his hand and tinignan ko ito. I held his hand at hinila niya ako papunta sa soccer field ng school.

"Maupo ka muna." Aniya at sumunod naman ako, umupo ako sa bench at tumabi siya sa akin.

"Teka. Medyo naguguluhan kasi ako eh. Paano mo nalaman na dito ako nag-aaral?"

"Sources." He smiled.

"Aaaah oo nga pala. Hehehe. Bakit ka nagpunta dito? Dahil ba sa cake? Salamat ha." I giggled. Ang landi ko! Nakakaasar! >__<

"Actually..may ibabalik kasi ako sayo." Aniya at kinuha niya ang something sa bulsa niya.

Ang bracelet?! D____o nasa kanya?

"Papaanong?"

"Nahulog kasi yan nung nagpa-autograph ka sa akin kagabi. Maganda kaya naisip ko na baka mahalaga yan sayo." He smiled at inilagay ito sa wrist ko.

"Ah eh ito ba? Birthday gift ito ng bestfriend ko sa akin."

"Yung kasama mo kagabi? I think he likes you." Aniya. Ano?

"Hindi. Nagkakamali ka. Hehe."

"Sa dating ng tingin niya sayo kagabi..kakaiba. And ang sama ng tingin niya sa akin. Possessive ang bestfriend mo." Tumawa siya.

"Akala mo lang siguro yun. Baka hindi lang siya sanay na may kausap akong lalaki." Sagot ko.

"Tara kainin natin toh." Aniya at sinimulan na naming lantakan ang cake bigay niya sa akin.

"Nabubuhay pa rin ba yung standee mo?" Tanong nito. Nabulunan ako sa tanong niya. Alam niya yun?

"Naaalala mo yun?"

"Oo naman. Napapanaginipan kita at nabubuhay ang standee mo, simple as that."

"So totoo ngang may magic?"

"Yes. Pero masaya ako na may magic na ganito. Nawawala ang stress at pagod ko kapag kausap kita sa panaginip ko. Sa totoo lang wala na akong pahinga at kalayaan." Aniya.

"Masaya ako dahil kausap kita. Ganito na lang, para makabawi ako sa pagbabalik ng bracelet ko..ipapasyal kita sa magagandang lugar pag may pagkakataon." I smiled.

"Talaga? Promise yan ha."

"Oo naman. Promise."

Tumayo na siya at inilagay ang kamay niya sa bulsa. "I better get going. May schedule pa ako eh. I just wanted to see you and give you the bracelet... and personally give you my gift." Aniya.

"Salamat ha."

"Bye." Aniya at tumalikod na.

"Uhmmm..wait Sehun." Pagtawag ko.

Lumingon siya."Yes?"

"Kelan ulit kita makikita?" Tanong ko.

He smiled. "Tonight." Aniya at nagpatuloy na sa paglakad palayo.

----

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon