Chapter 19 (Sudden Turn)

136 6 1
                                    


AN: Thank you kay mai1422 for the flood votes! God bless! :D


-----


Sehun's P.O.V.



"......" Oo yan ngayon ang naiisip ko. Blangko.



Halos dalawang linggo na rin matapos kong huling makausap si Jeon Hye sa presscon. Parang bigla kong namiss yung kakulitan niya. Yung boses niyang laging nagsasabing "Oppa, ang galing mo talaga!" pagkatapos ko sa isang show tapos magkikita kami. Tapos yung dadalhin niya ako sa mga public places nang hindi ako nakikilala ng tao. Maraming nawala noong umalis ang kaibigan ko.



"Babe? Okay ka lang ba?" Ani Miranda.



"Oo naman. May iniisip lang ako."



"Si Jeon Hye ba? Miss mo na siya ano?" She smiled.



Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit mo naman naisip yan?"



"Girlfriend mo ako, kilala na kita. Siguro'y nasanay ka lang na nandito siya."



"Okay lang sayo na siya ang naiisip ko ngayon?"



"Kung siya ang iniisip mo, siguro naman okay lang siya at masaya siya ngayon hindi ba? Dapat masaya ka para sa kanya. So stop thinking abour her."



Hindi naman ako kumibo at nagpatuloy parin ang utak ko sa pag-iisip sa kanya.



"What do you think Sehun? Okay ba?"



"Huh? Ano ulit yun?"



Sumimangot ito sa akin at padabog na ibinaba ang damit na hawak niya. "Alam mo Sehun, kanina ka pa hindi nakikinig! This past few days ganyan ka na. dahil ba talaga ito sa pag-alis ni Jeon Hye? I said that you stop thinking about her. Babe, ako ang kasama mo...bakit siya ang iniisip mo? Hindi mo ba naiisip na masakit sa akin yun? Are you choosing her over me?"



Hinarap ko siya sa akin ng maayos. "No! Of course not, hindi ganun. I'm sorry Miranda. Medyo pagod lang ako sa mga schedules ko and everything. Wala siyang kinalaman dito. I'm really sorry babe."

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon