Kahit anong pilit mong lumayo at umiwas masaktan, ang mga paa mo parin mismo ang tatraydor sayo upang lumapit sa lungkot. Ganito ako ngayon. Nabalitaan kong nagpatawag ng presscon ang company na naghahandle kay Sehun. Alam ko kung ano na ito...pero sa hindi ko malamang paraan, tumakas ako sa bahay at nagtungo sa event. Gusto kong marinig ang mga sasabihin niya, ito yung hiniling ko sa kanya. Wala akong planong magpakita sa kanya ang gusto ko lang ay makita siya sa huling pagkakataon bago ako umalis. All is set, tapos na ang sem ko dito at sa susunod na araw ay tutungo na akong Singapore.
Kasalukayan akong nakatayo sa likod ng pag-gaganapan ng presscon. Marami ng fans at media, hinihintay na lang si Sehun na dumating para tuluyang makapagsimula. Hindi na ako umupo dahil gusto ko lang naming marinig ang sasabihin niya at aalis na ako agad. Magagalit si Mama at Youngjae kapag nalaman nilang pumunta ako dito.
"Again, good evening everyone! Sehun has arrived. The press conference will start in a few minutes so please feel free to find a seat for you. Thank you!" Ani ng MC.
Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa gilid para hindi ako mapansin.
Makaraan ang ilang minute ay pumasok na si Sehun sa hall. At nang dumaan siya sa harap ko ay agad akong tumalikod. Pero nakuha ng atensyon ko ang mga bulung-bulungan. "T-teka? Si Miranda Kerr ba ang kasama ni Sehun?" "Tama ba ang nakikita natin? Si Miranda ba ang isang yun?" "Anong ginagawa niya dito?"
Tinignan ko naman agad ang sinasabi nila at labis kong ikinagulat nang makita kong kasamang naglalakad ni Sehun si Miranda patungo sa harapan. Hawak nito ang kaliwang kamay niya at ang isa naman ay nasa likod ng bewang nito na nakaalalay.
Hindi ganito kasakit ang inaasahan kong mararamdaman ko.
"Sehun, pwede po ba naming malaman kung bakit kasama ninyo ngayon si Ms. Miranda Kerr dito?" Tanong ng isang reporter.
"I'm sorry po pero mamaya ko na lang po sasagutin ang tanong ninyo pagdating namin sa harapan. Excuse me po." Magalang na tugon nito.
Hindi naman nagsaasalita si Miranda pero halata sa kanya ang kaba.
"Marami na pong balitang lumabas tungkol sa akin at ang relasyon ko sa sinasabing rumored girlfriend ko. At dahil gusto ko pong maliwanagan na ang lahat ng ito... nais ko pong sabihin sa inyong lahat sa gabing ito ang katotohanan. Si Miranda Kerr na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko, ay ang babaeng minamahal ko ngayon. At opo..I'm proud to say that Miranda and I are a couple." Pikit-mata akong nakinig sa mga sinabi ni Sehun. Matagal bago ito tuluyang pumasok sa kokote ko. Oo, sinabi ni na niya ang katotohanan. Yan ang hiling ko pero hindi ako nasiyahang narinig ko ito. Bilang kaibigan niya ay masaya ako para sa kanya. Pero bilang tagahangang nagmamahal, sobrang masakit na talaga. Wala bang morphine dyan na magpapamanhid ng puso ko?
Kasabay nang malakas ng kabog ng puso ko ang mas lumakas na reaction mula sa mga tao lalo na sa mga tagahanga niya. May naririnig akong hindi sumasang-ayon, ang iba naman ay tila kinilig sa kanyang walang-takot na announcement.
"Ms. Miranda, ano pong reaction niyo bago pumunta dito ng malaman niyong sasabihin niyo sa tao ang tungkol sa relasyon niyo?"
Ngumiti muna siya at tumingin kay Sehun habang sinasabi ang mga sagot niya. "I'm very touched and I felt very special that Sehun never refused to tell everyone our relationship. Syempre sobrang saya ko. pakiramdam ko prinsesa ako sa kanya. Nung unang beses na tinanong niya ako kung gusto ko daw bang sabihin na in public ang relasyon naming, to be honest nag-alangan talaga ako. Natakot kasi ako sa magiging reaction ng tao, lalo na at magkaiba kami ng lahi ni Sehun. Natatakot rin akong may mga hindi tumanggap...at alam kong ngayon na alam na ng lahat, paniguradong pagbukas ko ng SNS ko mamaya ay marami na akong pambabash at threats na matatanggap..." Pagbibiro nito na ikinatawa naman ng mga tao. "...pero nawala ang lahat ng takot na yun when Sehun told me that this will be the initial step to acceptance from everyone. Sabi niya na natural lang sa una na may magalit at di tumanggap pero kung papatunayan naming pareho kung gaano kami katapang harapin ang lahat ng walang takot at tila di naaapektuhan...di magtatagal ay matatanggap nila kami." She replied.
Akala ko isa ito sa drama ni Sehun ang pinapanuod ko, muntik na akong kiligin pero naalala ko na ito pala ay katotohanan.
"Ang sweet naman nila... I'm starting to accept their relationship." Ani ng isang fan. "Oo nga...love conquers all nga naman..."
Kung love conquers all...kailangan bang may masaktan pang iba?
"Ano ang dahilan mo Sehun kaya mo naisip na sabihin sa lahat ang relasyon niyo?" gusto kong tapalan ng tape ang bunganga ng reporter na ito! Tanong nang natanong ng kung anu-ano, tapos sasagot si Sehun...ang sakit naman.
Eh tanga ka pala eh..bakit di ka umalis?! Bulong ng kabilang panig ng isip ko sa akin.
Sa gusto kong marinig yung sasabihin niya!
Edi wala kang karapatang masaktan! Ginusto mo yan eh! Oo na! pero kailangan bang sermonan ako ng sarili kong utak?!
"Bukod sa gusto kong mapatunayan ang pagmamahal ko kay Miranda, may isang taong pinangakuan ko at ngayon... gusto kong tuparin yun..." biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa mga huli niyang sinabi. "....nasaktan ko siya at dahil hiniling niyang gawin ko ito, sana ay napatawad niya na ako. Sana lang ay nanunuod siya ngayon."
"Any last words for your fans bago natin iend ang press con?"
"Maraming dismayado, maraming nasaktan at maraming malungkot na fans dahil sa nalaman niyo...alam ko. Pero hindi ko sinabi ang katotohanan ngayon sa inyo para ito ang maramdaman niyo. Gusto kong maging masaya kayo para sa akin at kay Miranda..." tears started to escape from my eyes.
"... Kung may isa man akong natutunan sa lahat ng nangyari, yun ay ang katotohanang may pusong nagmamahal ng tapat ang mga tagahanga. Akala ng mga idol na katulad ko, na yung suporta ng fans para sa amin ay hanggang doon lamang, ngunit sa likod ng hiyaw at pagtaas nila ng banner ay ang pag-asang kahit minsan ay mapapansin sila. Yung mabibigyan ng atensyong higit pa sa pagiging fan. Marami sila, alam namin yan at hindi namin alam kung papaano namin sila mabibigyan ng sapat na atensyong lahat, kaya ang pagpapasalamat na mula sa kahibuturan ng aming puso ang tanging nagagawa namin. Pero bilang tao, may kanya-kanya tayong buhay. Hindi buong buhay natin ay susunduan lang ang hinahangaan, may karapatan tayong magmahal ng taong magbibigay sa atin ng sapat na atensyon at pagmamahal. Sinasabi ko ito hindi para tigilan ang paghanga sa tulad namin, gusto ko lang na maisip ninyo na mas magiging masaya kung tatanggapin natin ang katotohanang hindi lahat ng bagay ay posible. Pero kung talagang para sa atin, may paraan...gagawa ng paraan ang tadhana." He explained.
Oo, naiintidihan ko siya. Tama si Sehun. Ang idol maaring magmahal ng fan..pero syempre isa lang at hindi lahat ng tagahanga niya. Dahil kahit anong mangyari, iisa lang ang puso.
-------
AN: KILL ME NOW >_< KYAAAAAA </3
-DoGongJu
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Standee
Fanfiction"I just woke up in the middle of the night having the ultimate love of life talking to me...I must be dreaming or I'm just talking to his standee." -Jeon Hye