Chapter 11 (Suddenly)

164 8 1
                                    

"Okay ka lang ba Jeon Hye? Di ba masarap yung pagkain." Tanong ni Miranda.


Kahit hindi ko tanggap ang narinig ko kanina mula kay Sehun ay naisipan kong sumama parin sa kanila para sa dinner. Andito na ako eh, bakit aalis pa ako?


"Hindi yun, sa totoo lang masarap talaga ang pagkain." I smiled.


"Gusto ko talagang sabihin sayo yung tungkol sa amin kasi alam kong mapagkakatiwalaan kita." Ani Sehun.


"Oo naman, you can trust me."


"Salamat Jeon Hye." They smiled.


"M-matagal na ba kayong dalawa?" tanong ko.


"Well actually naging kaibigan ko si Sehun sa states back then, nung high school pa lang kami pero walang something. Then we made our own paths sa pag-aartista, siya sa korea ako naman sa states parin. Then last year we met again at naging close ulit, niligawan niya ako then yun.. 3 months na kami." Paliwanag ni Miranda.


So ibig sabihin nung mga panahong kakikilala ko palang kay Sehun sa personal sa pamamagitan ng standee ay doon din naging sila?


"Ikaw yung nasa news na kasama ni Sehun sa America for vacation?"


"Yes. Ang sweet nga niya eh, kahit na madami siyang schedule ay nagawa niyang pumunta doon at bumawi sa akin."


"Eh kahit naman ikaw di ba naglahad ng oras kaya tama lang yun." Ani Sehun. Nagtawanan naman silang dalawa at nakatingin lang ako.



"Aaaah." Sagot ko na lang.


"Kaya nga hindi muna kami nagrereact sa balitang yun dahil may panahon para doon. At naisipan naming next week ay sabihin na sa public ang relationship namin. Di ba ayos yun Jeon Hye?" Ani Sehun.


Ayos?! Seryoso ba siya?! Anong maayos sa iannounce ang relationship ninyo sa public?!


"O-oo..maganda yun." I replied. Ininom ko na lang ang tubig ko at ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Feeling ko ay may lalabas na luha sa mata ko anytime. Gusto ko nang umalis na lang pero hindi ko magawa, I'm stuck.


Nagulat na lang ako ng biglang may humila sa akin patayo. Kahit sila Sehun ay nagulat rin.


"Youngjae?" Mas nanlaki ang mata ko ng makita ko siya sa tabi ko.


"Di ba may date pa tayo? Bakit nandito ka pa Babe?" Ani Youngjae pero nakatingin siya kay Sehun at mukhang galit.


"Ano?"


"Excuse me sa inyo pero kailangan ko ng sunduin ang Girlfriend ko dahil may date pa kami." Aniya.

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon