Chapter 8 (Confessions)

170 11 1
                                    

Kasalukuyan kaming gumagawa ng assignment ni Sehun, yes tinutulungan niya ako. Ang galing niya sa Math..mabuti pa siya.

Mas napapadalas ang pamamalagi niya dito, at as usual nawawala ang standee pag dumadating siya. Minsan nga eh lumilitaw na lang siya sa harap ko o kaya naman ay naaabutan ko siya dito sa kwarto ko at nagbabasa ng mga libro ko. Pagkatapos naming kumain ni Mama sa dining area ay pasikreto kong ikinukuha ng pagkain si Sehun. Minsan ay tumatakas kami at namamasyal kung saan, syempre nakadisguise siya.

Pero natigil ako sa pagsusulat ng maisip ko naman ang nangyari nung isang araw.

FLASHBACK

"Stupid. Hindi si standee, si Sehun na mismo."

Tumawa naman ako ng malakas. "Ano bang sinasabi mo dyan? Para kang timang!" Nagpatuloy ako sa pagtawa samantalang siya naman ay seryoso lamang.

"Seryoso ako." Aniya.

Tumigil ako sa pagtawa at tumingin na lang sa sugat ko.

"Bilang bestfriend mo sa matagal na panahon.. narealize kong hindi ka lang lampa, kundi may kamanhidan ka rin talaga." Aniya.

"Ano?! Ang harsh nito!" Sigaw ko.

"Pero yun din siguro ang reason kung bakit...minahal kita." That made me looked at him. Seryoso talaga toh?

"Young Jae...."

"I love you and your flaws, your imperfections and stupidity. Dahil sa mga yun ay naduwag ako...naduwag akong sabihin ang nararamdaman ko sa napakahabang panahon." He added.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Nagulat ka ba?" He half-smiled.

I nodded.

"Kaya nga naiinis ako kapag naiisip kong nakakasama mo at close kayo ni Sehun. Nagseselos ako, Jeon Hye. Mabuti siya kahit ngayon lang kayo nagkita ay parang close na close na kayo. Nabalewala ang ilang taong pinagsamahan natin dahil sa kanya. Ikaw, minamahal mo na siya sa matagal na panahon kahit di pa kayo nagkikita..pero ako, matagal na kitang mahal at kahit napakalapit mo ay hindi ko masabi ang laman nito." Tinuro niya ang dibdib niya.

"Pero iba yun Jae, crush ko na siya noon pa." Sagot ko.

"I know kaya nga threatened ako sa kanya. Hindi na ito biro, hindi ito katulad lang ng mga pranks at pambubully ko sayo lagi. This time I'm serious. I know you love me..as a friend, but please let me change that. Let me make you love me as your lover." He reached for my hand and smiled.

"Pero..we're bestfriends Youngjae. Paano na yun?"

"Oh bakit? We can still be friends hindi ba? Ang friendship natin hindi na mawawala yun. Sana lang mas mag level up yun." He smiled.

"I'm sorry."

"Si Sehun di ba? Don't worry it's okay. Hindi kita pipilitin." Aniya. Tumayo siya at nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa noo.

"Sige na, aalis na ako, dahan-dahan naman sa susunod. Lalo kasi akong naiinlove sayo eh." He said and left my room.

Wala na akong nasabi. And again, I was left dumbfounded.

End of Flashback

"Okay ka lang ba Jeon Hye?" Sehun.

Bumalik ako sa katinuan at nagkunwaring bumalik sa pagsusulat.

"Oo naman Sehun. May naalala lang ako." Sagot ko.

"Is it about your bestfriend?" Sehun asked.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Hindi." I smiled.

"Come on Jeon Hye. Medyo matagal na rin simula noong nagkakilala tayo. Kilala na kita, when you say no with that expression.. it is a yes."

"Paano kapag sinabihan ka ng friend mo na gusto ka niya, anong gagawin mo?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Siguro sa una awkward. Pero alam depende kasi yan kung gusto mo rin ang bestfriend mo. Kung wala ka namang gusto sa kanya siguro awkward nga sa una, pero sa totoo lang dapat ganun parin kayo kung ano man kayo dati. If gusto mo siya, be prepared dahil may magbabago." He explained.

"Sinabi ba niyang gusto ka niya?" Tanong nito.

"Uhmmm...well, parang ganun na nga, he actually told me that he loves me. Pero I couldn't stop thinking about it." Sagot ko.

"So you like him?" Tanong ulit niya.

"No. No, I just like him because he's my bestfriend pero hindi ganung like.. you know what I'm saying? And honestly may nagugustuhan na ako." Ilang kong sagot.

"I get you. Iba-iba naman kasi ang like eh. Deeper like or like just because close ang taong yun sayo." Sagot nito. "Pero sino ba yung nagugustuhan mo?"

"Ha? Ah naku nakakahiya wag mo ng itanong." Hala tinatanong niya yun? Eh siya ang sagot.

"Sige na, sabihin mo na..tayo-tayo lang naman dito." Kiniliti niya ang tagiliran ko na itinawa ko naman ng malakas.

"Oy ano ba! Wag! Baka marinig ako ni Mama." Sagot ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa tagiliran ko. Para na kaming bestfriends ni Sehun dahil gabi-gabi siyang nandito.

"Sabihin mo muna kung sino, ito naman parang di tayo tropa." Aniya na patuloy parin sa pangingiliti.

"Sige na sasabihin ko na." Sagot ko. Huminto siya sa pangingiliti at umayos ng upo.

He stared at me blankly. "What?" I asked.

"What ka dyan? Tell me who is that guy, ng mabigyan ko ng warning." Pagbibiro nito.

"Bakit hazardous ba ako?!" I pouted.

"Joke lang. So now, tell me who's the lucky guy."

"Sa totoo lang, kilala mo siya." Sagot ko.

"Kilala ko? Sa pagkakaalam ko si Youngjae lang ang kilala ko na kilala mo. Di ba sabi mo hindi mo siya gusto?" Tanong niya.

Mas nakikita ko sa mukha niya ang curiosity kaya mas kinakabahan akong umamin.

Pero tutal tinatanong niya at andito na rin naman siya, sasabihin ko na.

"Uh...actually. Ikaw yun Sehun. I like you." Dare-daretso kong sabi.

Nagulat ako ng kinurot niya ang magkabilang pisngi ko. "Ang cute mo talaga!" Aniya.

Inalis ko ang kamay niya at tumalikod ako. Nagkunwari akong may kinukuha sa closet ko dahil alam kong namumula na ako.

"But you know what Jeon Hye, I like you too." Nagulat na lang ako ng sabihin niya yun sakin. Hindi na ako makalingon agad dahil nahihiya na ako.

"Sehun, seryoso ka ba? You like me too?" Tanong ko habang iniipit ang buhok ko sa may tenga.

Hindi siya sumasagot. "Uh... sehun?" Pagtawag ko ulit.

Lumingon ako ulit sa kinauupuan niya pero nagulat na lang ako ng walang Sehun ang tumambad sa akin.

He's a standee again. But I know hindi ako nagkakamali. I heard him right, he said he likes me.

OH SEHUN LIKES ME!!!


Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon