Final Chapter

208 6 6
                                    

AN: Dedicated to PhilamGirl_03 . Thanks for the votes! :D

-------


"Kamusta ang interview? Nanuod ako kanina, ang galing mo talaga." Nagkekwentuhan kami ni Youngjae habang kumakain. Si baby Lin naman ay natutulog sa kanyang stroller. 5 months palang kasi siya kaya next month siya pwedeng kumain ng baby food bukod sa milk.



"Okay naman... kinausap ako ni Sehun kanina kaso lang umiwas ako."



"Bakit naman? Anong sabi sayo?"



"Ewan ko, basta kinabahan kasi ako bigla...malay ko bang nandoon siya sa labas ng dressing room kanina. Mabuti na nga lang at dumating ka na kaya nagkaroon ako ng rason para umalis. Gusto niya daw akong kamustahin at makausap. Pero hindi pa ako handa, matapos ba naman ng lahat ng nangyari...sa tingin mo may lakas pa ako ng loob na makipag-usap sa kanya ng matagal."



"Bakit ka natatakot? Tapos na yun hindi ba? Nakapag-move on na ang lahat. Nakapag-move on ka na nga ba?"



"H-hindi ko alam. Ewan. Oo..siguro? Nagulat lang din naman ako nang sabihin niyang wala na sila ni Miranda. Sayang ang isang taon hindi ba? Madami na silang pinagdaanan...ano kayang rason ng break-up nila?"



"Ewan ko din. Gusto mo itanong ko pa para sayo? Bakit hindi mo na lang kasi siya kausapin, isipin mo na lang na walang nangyari...na masaya ka na sa kung ano ka ngayon...tayong lahat. Dapat magkausap kayo, siguro kailangan niyo ng magandang closure?"



Bakit nga ba hindi ko na lang isipin yun? Andito naman ang parents ko, si Youngjae at itong si Baby Lin. Kung tutuusin, buo na ako. Closure? Bakit? Wala namang namagitan sa amin bukod sa umasa ako noon, hindi ba?



----



"Magbihis ka, may ipapakilala ako sayo." Ani Youngjae. Andito siya ngayon sa bahay at actually dito na siya natulog kagabi.



"Sino naman yun?"



"Basta. Dress comfortably."



Tumango ako bilang tugon. Saan na naman kaya ako dadalhin ng lalaking ito?



Hinila ako ni Youngjae patungo sa isang coffee shop. At pagpasok naman dun ay may nakareserve na pala kaming seats, pero may naghihintay na sa amin. Isang pamilyar na tao ang nakaupo at nakatalikod sa amin.

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon