Chapter 1 (Sehun's First Night With Me)

510 17 1
                                    

     "Young Jae naman eh! Please tulungan mo ma kasi ako!" Papadyak kong alma kay Youngjae.

Bestfriend ko siya pero bakit ba ayaw niya akong tulungan?! >___<

     "Ano ba! Ang kulit mo naman eh! Ano bang mahirap intindihin sa salitang ayaw?" Sagot niya.

Pinipilit ko kasi siyang pumayag na ibilin ko muna sa kanya ang binili kong life-size standee ni Sehun sa isang online shop. Kaso dahil may pagka-hater ang isang toh...nagamatigas talaga!

Si Oh Se Hun ang aking loves na sikat sa Korea. He's an actor-dancer-singer-model. Lahat na nga nasa kanya na eh, ako na lang talaga ang kulang.

     "Ano bang mahirap intindihin sa salitang please?! Di ka ba naaawa sa akin? Ngayon lang naman eh!"

     "Jeon Hye! Ayoko. Ayoko. Ayoko. Alam mo naman na kaya kitang suportahan sa kahit ano wag lang ang pagiging obsessed fangirl mo hindi ba? Lalo na pagdating sa Sehun na yan! Makikita din naman yan ng Mama mo sa laki niyan! Please lang wag mo na akong idamay!" Aniya.

     "Ah ganun? Sige. Friendship over na tayo! Makaalis na nga! Leche!" Sumimangot ako at tumalikod.

Actually drama ko lang yan dahil alam kong hindi ako matitiis nitong si Young Jae.

Tatawagan ako niyan in...

3...

2...

1!

     "Jeon Hye!" BINGO!! Told you! Hahaha >:-)

     "Oh bakit? Di ba friendship over na tayo?" Lumingon ako pabalik sa kanya.

     "Aish..sige na payag na ako. Pwede na yang standee na yan dito." Aniya.

     "Jeongmal?! Yehet!" Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Salamat ha! Basta kukunin ko rin siya sayo kapag nakahanap na ako ng tyempong maipasok siya sa kwarto ko, yung hindi mapapansin ni Eomma."

For sure kasi magagalit yun sa akin eh. Katulad kasi ni Young Jae, hater din si Eomma ni Sehun. At for sure kapag nalaman niyang bumili ako ng mahal na standee ay ipapadala niya ako kay Appa sa Singapore. Dun na ako nun pag-aaralin, dahil nga makulit ako ay di nila ako napilit sa ngayon. Mas gusto ko dito noh! Mas malapit kay Sehun.

     "Good luck sayo. Sa laki ba naman niyan. Tsss... tsaka hanggang pangarap ka na lang, di ka mapapansin ng Sehun na yan! Balita ko nga may girlfriend yan sa states eh."

     "Ano ka ba! Rumor lang yun! Wala pang proof kaya may pag-asa pa ako hanggang siya mismo ang magsabi okay?! Tsaka anong hindi ako mapapansin? Naku! Kapag napansin niya ako, who you ka sa akin!"

     "Sige lang ha? Kung gusto mo eh ako pa mismo ng hindi papansin sayo!"

     "Fine! Bantayan mo si Baby ko ha! Bye Eps!"

Eps as in Epal! Ang laking epal kasi nyan sa love story namin ni Sehun ko. >___<

-----

Hindi talaga ako mapakali, kamusta na kaya si Sehun sa bahay ni YoungJae? Gusto ko na siyang makasama at makatabi sa pagtulog.

Tatawagan ko na lang si YoungjJae.

*kring!!!*

     "Yoboseo?"

     Napabangon ako sa kama ko bigla. "YoungJae, kamusta na si Sehun? Okay lang ba siya?"

     "Seriously Jeon Hye?! Tinatanong mo ako ng bagay na yan?" Boses bored niyang sagot.

     "Aish! Sagutin mo na lang kasi!"

     "Oo okay lang siya. Nakatayo at nakangiti pa rin sa akin, nakakaasar na nga eh. Sarap punitin!"

     "Hoy! Wag na wag mong gagawin yan kay Sehun kundi ipapakalbo talaga kita! Hayaan mo at bukas na bukas ay kukunin ko na siya sayo dahil may lakad daw si Eomma."

     "Hay mabuti naman at hindi mo na siya papatagalin dito dahil ayokong may epal sa kwarto ko."

     "Walanghiya ka talaga! Oo na! Good night na. I-goodnight mo na lang ako kay Sehun my loves ha?"

     "K bye." Aniya. He ended the call. Aba bastos yun ah! May sasabihin pa ako eh -___-

Don't worry Sehun...bukas ay babawiin na kita sa evil epal na yan!

-----

     "Hoy magdahan-dahan ka sa pag-akyat sa stairs ng bahay niyo ha, sa laki nyan baka di mo na makita ang nilalakaran mo." Bilin ni Youngjae.

Hahaha! Kukunin ko na kasi si Sehun sa kanya dahil may outing si Eomma ng mga friends niya, syempre kasama dun ang mother ni Youngjae.

     "Oo na. Di naman ako tanga katulad mo na pinakawalan pa si Stef!"

     "Aba! Bakit naman nasama pa ang ex ko dito?!"

Ayan na naman siya ang init ng ulo. Paano naman kasi, nakipag-break siya sa girlfriend niyang ubod ng bait at ganda dahil daw di niya na daw trip. Ano yun?! Ganun na lang yun?! Basta ako hindi ako naniniwalang trip niya lang na ibreak ang isang yun, I know na may rason! Malalaman ko din yan..ako pa, chismosa ako at pakielamera sa love life ng bestfriend ko!

     "Wala. Trip ko lang isangat sa usapan katulad ng trip mong ibreak na lang siya bigla! Ang damot mo kasi eh, ayaw mo pang sabihin ang totoong rason!"

     "Basta wala ka na dun. Kung ano man ang rason ko, para yun sa kanya! Para hindi siya lalong masaktan." Aniya.

     "Hanep! Ang lalim nun! Sige na aalis na ako. Salamat sa pag-ingat lay Sehun ha, at sa hindi pagpunit sa kanya kahit alam kong irita ka na sa kanya." I giggled.

     "Buti alam mo! Sige na! Babye na!"

Umuwi na ako sa bahay dala-dala ang pagkalaki-laking Sehun. Omy! Paano kaya pag nagmeet kaming dalawa? Edi ang taas ng tingin ko? Ay grabe! Kailangan ko pang magpatangkad bago ko siya makita sa personal para di nakakahiya.

     "Ayan. Simula ngayon diyan ka na sa may bintana tatayo para kita mo ang view sa labas at syempre ako habang natutulog." Sabi ko sa standee.

    "At mula ngayon, dito ka na titira. We'll spent our whole life together in this room. Forever." Niyakap ko si Sehun.

------

Sumapit ang gabi at ito nakatitig parin ako kay Sehun. Kasi bukas, hindi ko siya masyadong makikita dahil may pasok na naman ako. 6 kasi ako ng gabi umuuwi, lagi kong kasabay si Youngjae dahil lagi akong nakiki-hitch sa car niya. Siya naman ang nag-alok na ganun na kami lagi para safe daw ako, tutal same lang ang oras ng labas naming dalawa at neighbors kami. Okay na yun, mas tipid sa pamasahe.

     "Sehun, wag kang magtatampo kung di tayo masyadong magkikita pag weekdays ha? Kasi kailangan ko munang magtapos ng college para mas lalo tayong maging close, ako na mismo ang mag-iinterview sayo." Sabi ko.

Kasalukuyan na kasi akong 4th year college as a masscommunication student. Kinuha ko yun dahil gusto kong magkaroon ng mas malaking chance na makasama si Sehun as a journalist. Di ba ang galing ko? Hahaha! >:-D  Wala na akong iinterviewhin kundi siya lang. Para sa isang 19 year old na tulad ko..parang ang babaw pero kung di naman dahil kay Sehun ay wala akong maiisip na course na interested talaga ako. Baka nga naging YOLO tambay na lang ako pag nagkataon. Dapat ay thankful ang parents ko kay Sehum diba?? xD

     "Kahit na hindi mo ako kinakausap..okay lang. Basta andyan ka nakatayo at binabantayan ako sa pagtulog, feel ko secure ako." I smiled.

Naghanda na ako para humiga dahil I'm sure big day ito para sa akin. Babalik na si Eomma bukas at kailangan kong siguraduhin na hindi niya makikita si Sehun sa kwarto ko kundi...mala-Hitler ang buhay ko nun!

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon