Chapter 14 (Struck)

141 5 5
                                    

Para akong tangang nakatingin kay Sehun at Miranda na ngayong ay sweet na sweet habang kumakain. Sobrang sweet nila na nilalagyan pa ni Miranda ng pagkain ang plate ni Sehun. Hindi ko na gang makuhang kumain dahil katulad ng sinabi ko, feeling ko ay masusuka ako sa dahil sa dalawang ito na nasa harapan ko.



Saglit na tumigil pagkain si Sehun at lumingon sa akin. Agad ko naming iniwas ang tingin ko at kunwari ay nagfocus ako sa pagkain ko.



"Oh Jeon Hye, bakit hindi mo kinikibo ang pagkain mo? Di ba masarap?" Tanong niya.



"Hindi, okay lang ako. Busog pa ata ako sa hanging nalanghap ko mula sa mga rides na sinakyan natin kanina." I reasoned out.



"Nakakatawa ka talaga Jeon Hye! Sige wag mo ng piliting kumain, baka kasi nahihilo ka at baka maisuka mo lang ang kakain mo." Malambing na sabi ni Miranda.



"Oo, nasusuka na ako sa inyo." Bulong ko.



"Ha?"



"Ha? May sinabi ba siya?" Lumingon si Youngjae sa akin. "Ang sabi ni Jeon Hye, nasusuka nga siya. Pwede mob a siyang samahan sa C.R?" Thanks Youngjae.



"Ah ganun ba? Mabuti pa nga at mag-CR ka na, tsaka I need to pee na rin kasi eh." Ani Miranda.



"Okay lang ba?" Tanong ko.



Tumango naman agad siya. "Let's go? Excuse us boys."



"Okay, take your time girls." Ani Sehun.



---



Sehun's P.O.V.



Nang umalis ang dalawa ay ngumiti ako kay Youngjae, pero imbes na nginitian ako nito pabalik ay mistulang hindi niya ako napansin at nagpatuloy na lamang siya sa pagkain.



Simula din kanina pa ay hindi niya na ako pinapansin. Pareho kaming lalaki sa lakad na ito kaya nararapat lang na magkasundo kami. Kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan.



"Bro, may problema ba tayo?" Lakas-loob kong tanong.

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon