Dalawang taon ang nagdaan, at sa mga taon na yun ay maraming nangyari. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sehun noon ay tinawanan na lamang namin yun. Pagkamalan ba naman akong may asawa at anak, at sa bestfriend ko pa ha! Pero syempre tapos na yun, kahit si Youngjae sobrang natawa nang ikwento ko yun sa kanya. At ngayon ay kinalimutan na lamang namin ni Sehun ang lahat ng nangyari at nagmove-forward. Oops! May isang bagay syempre ang hindi naming ibabaon sa limot, at yun ay ang unang beses na nagkita kami sa personal. Thanks to the standee! Hindi na namin inalam pa kung paano nangyari ang mahiwagang pangyayari na yun, at nagpapasalamat na lamang kami. None of these will happen if the standee doesn't have a magical powers.
Pero paanong forward yung sinasabi ko? He courted me...we had several dates again, and one thing's for sure... hindi na lang basta friendly date yun, this time date na talaga! Nagkakilala na sila ni Mama at Sehun pati narin si Papa ng umuwi ito sa Korea. Nung una parang naiirita si Mama kahit hindi niya aminin, dahil alam niyo namang hater siya ni Sehun noon hindi ba? Pero syempre sobrang nagulat siya ng pumunta ito sa bahay at ipakilala sa kanila. Nang tumagal, nagkasundo naman sila at malayang nakakapunta si Sehun sa bahay. Mga ilang buwan matapos ang pabebeng ligawan, sinagot ko na rin siya and ang weird kung paano naging kaming dalawa.
Flashback
Tuwing pumupunta si Sehun sa bahay ay sa kwarto kami nagkekwentuhan... kwentuhan lang! wala nang iba! Wag green! At sa pagpunta niya doon ay lagi niyang pinupuna ang mga poster niya sa kwarto ko.
"Ayaw mo bang tanggalin ang mga poster ko dito? Nakakailang." Aniya habang nag-eenjoy sa paghiga sa aking kama.
"Huh? Bakit? Ayaw mo ba nun, may kasiguraduhang ikaw ang kasama ko dito kapag natutulog ako, ikaw ang lagi kong maiisip sa tuwing makikita ko ng posters mo?" Pagbibiro ko.
Pero kasi kahit naman nakakasama ko na siya sa personal, iba parin yung feeling ng may poster sa kwarto kasi tanda ito ng pagiging isang fangirl. Dito ako nagsimulang mahalin siya kaya dapat walang magbago.
"Nakakailang nga kasi. Alam mo yun? Yung andito ako sa kwarto ng iba pero yung mukha ko ang nakikita ko. eh pag lumalabas ako, kahit saan ako tumingin, mukha ko ang nakikita ko eh!" Reklamo nito.
"Maaawa ba ako sayo o maiinis? Parang ipinagyayabang mo naman na ang dami mo talagang advertisement kaya nakakalat yang pagmumukha mo kung saan!"
"Bakit? Hindi ba?"
"Oo, totoo..."
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Standee
Fanfic"I just woke up in the middle of the night having the ultimate love of life talking to me...I must be dreaming or I'm just talking to his standee." -Jeon Hye