Chapter 12 (Mother's Cue)

154 8 3
                                    

AN: Hi @MishJashMean ! Hahaha ito ang update. Salamat sa support sa mga stories ko.

(Young Jae at the MM)

---

Hinatid ako ni Youngjae sa bahay at laking gulat naming nasa may pinto si Mama, nag-aabang na nakakunot ang noo.

"Good Evening po Tita." nag-aalangang bati ni Youngjae.

"Good evening din sayo Ijo. Salamat sa pagsama sa kanya sa pagbili ng napkin ha." aniya pero walang bakas na emosyon kay Mama.

"P-po? napkin?" nagtatakang tanong nito kay Mama.

"Ah Ma, nahihiya lang po si Youngjae sa inyo. Di ba?" binigyan ko si Jae ng umoOO-ka-na-lang look para di na humaba ang istorya.

"Ah opo pasensya na." tumawa siya ng pilit.

"Ijo, pwede bang umuwi ka na muna? Kailangan ko lang makausap ang anak ko ng masinsinan." Aniya. Anong tingin yan Ma? Anong ginawa kong masama?

"Naiintindihan ko po. Sige po aalis na ako. Good night Tita, Good night bestfriend." Ani Youngjae.

"Best, wag mo akong iwan. " bulong ko.

"Tatawagan kita mamaya." He mouthed.

Umalis na si Jae at naiwan kami ni Mama sa may pinto. "Akyat sa kwarto mo! You need to explain everything to me." Aniya at naunang pumasok. Sumunod naman ako.

Nagulat na lang ako nang bago ako makapasok ng kwarto ay nanduon sa may pinto ang standee.

"Ma-" I was stuttering.

"What's this Jeon Hye?! Kelan ka pa natutong maglihim sa akin?! What's with this freaking standee?!"

"Ma I'm sorry. Binili ko pa yan online. Pero ma, pinag-ipunan ko naman po yan."

"Hindi yun anak! For God sake anak! You're a college student and you are still keeping this nonsense inside your room? The posters and now this?! Do you think matutuwa ako na nagtatapon ka ng pera sa walang kakwenta-kwentang bagay tulad nito?! You think may mapapala ka? Gagalaw ba yan at kakausapin ka. Anak, alam mong ayaw kong naglilihim ka sa amin ng Daddy mo...and look what you've done." She lectured.

"But Mom, those things na sinasabi mong nonsense are important to me. Sayo walang kwenta, sa akin meron. Ma, I'm sorry pero ito kasi ang nagpapasaya sa akin. Fangirling is my only way to escape my loneliness. I feel alone dahil wala akong makausap dito sa bahay."

"So baliw ka? Ganun? You used a standee as a substitute friend? Andyan naman si Youngjae ah."

"Ma, you can't understand because you're not a fangirl."

"So kasalanan kong hindi ako fan at hindi ako nababaliw sa Sehun na yan?"

"That's not what I meant Mom. I'm dreaming that one day I'll see Sehun, ng harapan. Hindi man niya alam pero he makes me smile." I shed a tear.

"I think you need to see a psychologist. you're crazy! From now on, I don't want to see that nonsense...even his posters inside your room! Pati pag-aaral mo maaapektuhan! Do you understand?"

"But Ma-"

"I said..Do. You. Understand?"

Tumango ako at di na nagsalita.

"Now, ibaba mo na yang standee na yan at bukas dadaan ang garbage collecter."

"Mama, can I just..please let me think?"

"You're impossible. Do you think boyfriend yan na pag-iisipan mo kung ibebreak mo?"

"Please Ma. Let me think kung saan ko siya pwedeng dalhin. But don't give it to the garbage collectors. Sayang."

"Fine. Basta bukas ayoko na nandyan pa yan ha."

"Opo ma."

At lumabas na si Mama. Sinarhan ko ang pinto at sakto namang nagring ang phone ko. I pressed the answer button.

"Bestfriend, kamusta? Bakit galit si Tita."

"Nakita niya na ang standee sa kwarto ko. She's mad and she wants the standee out of my room."

Tumawa ito. "Anong nakakatawa?"

"Kasi naman kayong mag-ina, pinag-awayan ba naman ang standee na yan. Kung tutuusin napakababaw."

"Hindi! Gusto niyang mawala ang standee, paano na lang pag nabuhay ulit yun? Hindi ko siya makakausap."

"Di ba you promised me to let that standee go. Masasaktan ka lang, aasa ka na naman."

"Hindi ako nagsalita, hindi ako nagpromise. Nagpromise lang akong hindi na ako iiyak ng dahil sa kanya."

"But I can hear you sobbing right now." Aniya.

Di ako nagsalita. "Jeon Hye, kung gusto mong di masaktan ng dahil sa kanya...let him go. And the first thing to do is to throw his standee. Kung di kita bestfriend, iisipin kong baliw ka na."

"I love him."

"But he's in love with someone else." Aniya. I sighed.

"Sabi ko naman sayo di ba, ako na lang...ako hindi kita sasaktan. Hindi mo na kailangan pa ng standee para makita ako. Hindi mo na kailangan makipagsiksikan sa crowd para masilayan at makausap ako. You don't need to buy albums... dahil ako kakantahan kita ng live. Hindi mo na kailangan manuod ng t.v para malaman ang storya ng buhay ko dahil ako mismo ang magkekwento sayo. Ako, totoo ako."

It strucked me. Tama siya, kahit na tao rin si Sehun, para parin siyang fictional character sa isang libro na kahit kailan ay di magiging totoo. Para siyang imagination na mahirap kalimutan. Na kahit anong pilit at di mo makakasama. Love for your idol and true love are two different things. Pero kahit na naiisip ko toh, still I'm hoping that one day, ako at si Sehun sa huli. Dahil for me he's my first and last love kahit na imposible maging true love niya ako. May 1% pa akong pag-asa.

"Hindi na mabubuhay ang standee na yan. Kung ayaw mong itapon, ibenta mo sa iba or ibigay. Let it go Jeon Hye. I'll help you."

"Pag-iisapan ko. Bye." Sagot ko at binaba na ang tawag.

Should I sell it? Sayang naman, dahil kapag di ko inalis dito, itatapon toh ni Mama.

Sa hindi ko malamang dahilan ay naisapan ko biglang picturan ang standee at nag-open ako sa aking account sa online shopping.

"Ipopost ko ba toh?" Tanong ng traydor kong utak.

"No! Hindi pwede, magtatampo si Sehun." Sagot ng fangirl mind ko.

"Nababaliw ka na ba? Standee lang yan, move on." Sabi ng isang utak ko.

Nakalagay kasi dun na binebenta ko ang standee at may presyo na rin.

"Mas mabuti na toh kesa naman itapon ni Mama hindi ba? At least may makikinabang na iba." Sabi ko.

"NOOOOOOOOO!" Mukha na akong tangang nakikipag-usap sa sarili ko.

Bigla ko na lang napindot ang Sell button at ayun!!!!

"Shet bakit ko pinindot?!!!!!!!!!!!!!!"

Shet! Nababaliw na nga ata ako. >___

-----

AN: Bye bye Sehun na nga ba o may chance pa si Jeon Hye?

Need your bet guys....is it Sehun or Youngjae? Go Go Go comment guys! Vote!

End is getting near so please support! Thank you so much! Sorry for the slow UD..AUTHOR'S BLOCK. Hihi

-DoGongJu

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon