Chapter 4 (Happy Birthday Jeon Hye)

245 15 1
                                    

"Happy birthday to me! Happy happy happy!!! Happy? Sehuuuuun!!! Di ba talaga kita makikita sa araw ko?" Talking to my standee again.

Hinihintay ko na si YoungJae dahil pupunta na kami sa gift niya. Medyo depressed pa rin ako dahil di ako makakapunta sa concert ni Sehun ngayon. Sayang talaga, gusto ko sanang isama na lang si Jae dun kaso sure akong hindi papayag yun..at paniguradong magtatampo pa siya.

Then suddenly I heard a knock. "You ready?" Sure akong si YoungJae na yun.

"Yes." Binuksan ko ang pinto ay sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

"Hoy Jae! Okay ka lang?" Tanong ko.

Umalis siya sa pagkakayakap at tumawa. "Ay sorry Hahahaha. Happy birthday bestfriend!"

"Salamat Jae. Ganyan ka pala kapag merong may birthday, nanyayakap." Pagbibiro ko.

"Aish tara na nga! Malalate na tayo!"

"Ganun? Nagsungit bigla? Iniisip ko tuloy kung paano kita naging bestfriend." Tumawa ako.

"Aalis ba tayo o magkekwentuhan na lang?" Pagsusungit na naman niya.

Tumungo na kami sa lugar kung saan nandoon daw ang second gift ni Jae para sa akin.

"Teka. Bakit dito sa mall? Di ba concert hall toh? Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko kay Jae.

May kinuha siya mula sa bulsa ng coat niya. Shet! Is it real?!

"Ticket para sa charity concert ni Sehun?! Manunuod tayo?!" Gusto ko ng magtatalon sa tuwa kaso gusto ko munang maniguradong hindi ako nananaginip.

"Yup. Tutal naman birthday mo, pagbibigyan kita ngayon. Alam ko namang gusto mong manuod ngayon." Aniya.

Nagtatalon ako at nagsimulang yakapin siya sa sinabi niyang yun. "Grabe bestfriend! Salamat talaga! Di mo alam kung gaano mo ako napasaya! I love you talaga!" Sabi ko.

Wait.....did I just said I love you kay Youngjae?! D_____o

Napabitaw ako sa kanya at yumuko. "Ano ka ba wala yun. Tsaka ngayon lang toh, samatalahin mo na ang pagiging mabait ko." Aniya.

"Salamat ulit ha."

"Nakakailang pasalamat ka na. Okay na. Pumasok na tayo para makita mo na si Sehun." He smiled.

Pumasok na kami sa concert hall at nasa parteng unahan kami. VIP ticket pala ang binili ni Youngjae para sa amin. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya, sobrang swerte ko at siya ang naging bestfriend ko.

Nagsimula ng magsalita ang MC at 1 minute na lang daw ay magsisimula na. Sobrang kinakabahan ako, nanlalamig ang mga kamay ko.

"Relax, magkikita rin kayo. Malalapitan mo rin siya mamaya sa autograph signing." Ani Youngjae.

"Talaga? Pero grabe di ako mapakali. Di ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkaharap ulit kami."

"Ulit? Bakit, nagkita na ba kayo ni Sehun?" Nagtatakang tanong niya.

"Huh? Ah-eh.. hindi pa

What I mean is magkikita NA kami, at hindi na lang sa standee ko siya papangarapin." Hindi niya pala dapat malaman yung tungkol sa pagkikita namin ni Sehun.

Finally! Magsisimula na.

Pagkatapos tawagin ang pangalan ni Sehun ay lumabas na siya mula sa likod. Feeling ko ay hindi na ako makagalaw, hindi ako makasigaw agad. Parang nagpaprocess pa sa utak ko na nasa harap namin siya ngayon. Sobrang gwapo niya! Mababaliw na ata ako.

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon