{Play the MM}
-----
Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko parang ayaw ko ng ituloy ang susunod na mga araw. Bigat na bigat ako sa sariling bumangon at pagong na lumakad papunta sa CR. May pasok pala ako pero parang hindi ko kaya. Humarap ako sa salamin nang makapasok sa banyo ngunit ikanagulat ko ang mukha na nasa harap ko ngayon.
"Ako ba ito?! Bakit ang pangit niya?!" Sabi ko sa sarili ko.
"Kailangan ko ata ng maraming concealer para sa eyebags ko. Jusme." Nagsimula na akong kumilos at gawin ang mga morning rituals ko bago pumasok sa school. Medyo natagalan nga lang ako sa pag-aayos dahil kahit anong gawin ko ay parang traydor na lumilitaw ang eyebags ko at namumugto kong mata.
Bitbit ang bag ko ay bumaba na ako para kumain ng almusal kasama si Mama. Pero hindi lang si Mama ang naabutan ko dun, andun din si Youngjae at maganang kumakain ng almusal.
"Ang agap mo naman ata." Pagsalubong ko.
"Good morning bestfriend! Nakikikain na ako ha? Nakakatempt naman kasi yung niluto ni Tita para sa almusal, eh saktong hindi pa ako kumakain. Inagapan ko kasi dito dahil baka mamaya wala na namang Jeon Hye ang maabutan ko dito. Tatakasan mo na naman ako." Masiglang sabi nito.
Di na lang ako nagsalita at umupo sa harap niya. "Anak, di mo sa akin binabanggit na nililigawan ka na pala ni Youngjae." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Nanliligaw? Hindi naman ah!
"Ano po bang sinasabi ninyo dyan?!"
Tumawa si Youngjae. "Nagsabi na kasi ako kay Tita na liligawan kita. Okay ba bestfriend?" He winked.
"Aish! Ano ba Jae?! Wala naman akong alam dito. Ano bang kalokohan ito?" Iritang sagot ko.
"Anak, wag kang mag-alala. Okay lang naman sa akin at sa Papa mo yun. Sana nga lang mahintay ka ni Youngjae hanggang sa makabalik ka ulit dito." Ani Mama na ikinahinto namin pareho sa pagkain.
"Po? Makabalik? Saan ako pupunta?" Pagtataka ko.
"Nag-usap kami ng Papa mo kagabi. Dahil sa nalaman niya ang kabaliwan mo sa Sehun na yun, as promised...sa end ng semester na toh sa school mo, pupunta ka na ng Singapore at tatapusin ang schooling mo doon."
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Standee
Fanfiction"I just woke up in the middle of the night having the ultimate love of life talking to me...I must be dreaming or I'm just talking to his standee." -Jeon Hye