Para akong isang zombie na naglalakad sa campus ng university namin. Zombie dahil kulang ako sa tulog, at least yung reason ko naman ay worth it. ^o^
Nakasalubong ko si Youngjae pero hindi man lang siya tumigil para kausapin o batiin ako. Tampo parin siya sakin. Namimiss ko na ang bestfriend ko :(
Pumasok ako sa mga klase ko pero #Lutang ako. Parang kahit anong gawin ko ay walang mapoprocess ang utak ko na lesson ng profs. Wala akong marinig sa utak ko kundi 'Miss ko ma si jae.' Dapat nga ang iniisip ko ay 'Nagdate kami ni Sehun! Ang saya!' Bwisit!!!! >____<
---
Pumunta ako ngayon sa favorite coffee shop namin ni Youngjae na nasa loob lang ng campus. Kailangan kong uminom ng matapang ma coffee para magising. First time ko atang pumunta dito na mag-isa lang. Wala naman kasi akong naging super ka-close sa mga naging classmates ko, kakwentuhan lang sa room minsan. Pero paglabas ng school o ng room ay Youngjae ang kasama ko. Ito pala ang disadvantage ng isa lang ang closest friend, pag nagkatampuhan kayo ay it's either mag-isa ka lang o magpakamatay ka na. Masyado akong attached sa mayabang at masungit kong bestfriend. Kung siguro in-love ako sa kanya, baka mabaliw ako. >___<
Lumapit ako sa counter para umorder. Nakangiting binati ako ng cashier doon. Pamilyar na kami sa isa't-isa dahil nga tambayan namin toh ni Youngjae.
"Good morning Mam, mag-isa po ata kayo ngayon ah. Nasaan po si boyfriend niyo?" Tanong nito.
Ano daw? O__o
"Boyfriend? Si Sehun ba?" Pagbibiro ko. Malay ko ba kung sino ang tinutukoy niya.
"Si Oh Sehun? Mam sorry po pero asawa ko na yun." Aniya.
Sabay naman kaming tumawa. Sige ateng pagbibigyan kita tutal friendly ka, basta akin si Sehun. Hahahaha!
"Wala naman akomg boyfriend eh." I confusingly smiled.
"Hindi niyo po ba boyfriend yun? Yung lagi niyong kasama dito?"
Aaaah si Youngjae?
"Hindi ko siya boyfriend, bestfriend ko lang yun." Tumawa ako.
"Ay si Sir talaga niloloko ako. Sabi niya po kasi nung minsan na nagtatalo kayo sa order niyong dalawa at nakaupo ka lang ay pagpasensyahan ko na daw po ang girlfriend niya. Bestfriends lang pala kayo, sayang pa naman po dahil bagay kayong dalawa." She explained. Itong si Ateng may sikretong pagkachismosa.
"May tampuhan kasi kami nun, ayaw akong kausapin kaya hindi ko siya kasama ngayon." Sagot ko.
"Ganun po ba? Sana maging okay na kayo." She smiled.
"Salamat. Sana nga. Nakakamiss na rin ang kasungitan niya. Ah nga pala Brewed coffee na lang sa kin. Yung magigising ako ha, inaantok pa talaga ako eh." I said.
I paid the coffee.
"Sige po dadalhin ko na lang sa inyo. Thank you po."
Naghanap na ako ng mauupuan. Nagbasa na lang muna ako ng libro dahil wala talaga akong naintindihan sa lessons kanina, may recitation pa man din daw bukas. >___<
Ilang minuto lang ay hinatid na sa akin ni Ateng cashier ang coffee ko. "Mam, mukhang hindi naman po pala kayo matitiis ni Sir." Aniya habang ibinaba sa table ang coffee.
"Ha?" Nagtatakang tanong ko.
Ngumuso siya sa direksyon sa pinto at napatingin naman ako. Pumasok mula roon si Youngjae na mag-isa.
Tumayo agad ako at bumalik naman si ateng sa counter. I smiled bago lumapit dito si Youngjae, pero ang masaklap ay hindi niya ako pinansin at dumaretso lang siya sa counter. Ouch! 3
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Standee
Fanfiction"I just woke up in the middle of the night having the ultimate love of life talking to me...I must be dreaming or I'm just talking to his standee." -Jeon Hye