Chapter 13 (Double Date)

117 8 5
                                    

     Matapos ng limang araw simula ng malaman ni Mama ang tungkol sa standee ay sinamahan ako ni Youngjae delivery center para maidrop na ito doon. Nang mapindot ko kahapon ang 'post' button sa online shop ay may nagresponse agad na interesado sa standee at kinabukasan naman ay agad siyang nagbayad. Hindi ko alam pero parang may sinasabi sa akin ang mga mata ni Sehun. Malungkot, at nakikita ko yun sa standee o ako lang talaga ang nag-iisip. Mabubuhay parin kaya ang standee nay un kahit hindi na ako ang nagmamay-ari?



"Gusto mong mag-ice cream?" Tanong ni Youngjae habang nagmamaneho.



"Ha? Ikaw ang bahala." Sagot ko.



"Wag mo ng isipin ang standee. At least alam mong hindi lang yun basta tinapon ni Tita hindi ba?" aniya.



I know. Pero di ko parin maiwasang madisappoint. Like, ang andami kong naranasan kasama yun. I've got the chance to be with Sehun, like in fairytales. But yeah, I'm not in fairytales..Cinderella's not my soul-sister.



----



"Your phone's ringing. Hindi mo ba sasagutin?"



Di ko na napansin na nagriring pala ang phone ko at halos matunaw na ang ice cream sa cup na hawak ko. Nakalimutan ko na ring kasama ko pala si Youngjae sa ice cream parlor.



Sehun calling...



Lumunok ako at hinawakan ang phone ko. "Si Sehun." Sabi ko kay Jae.



"Ikaw ang bahala kung sasagutin mo." Aniya habang patuloy sa pagkain ng ice cream.



Huminga ako ng malalim at dahan-dahang sinagot ang nagriring kong phone.



"Hi." Ani ng nasa kabilang linya.



"H-hi.. bakit ka napatawag?"



"You know..uhmm..last time kasi na magkita tayo ay hindi naging maayos ang paghihiwalay natin dahil may lakad kayo ni Youngjae. Gusto ko lang sanang humingi ng pasensya kung hindi ko sayo nasabing kasama nating mag-didinner nun si Miranda. Gusto ko lang kasing makilala mo siya and and thought that it would be nice if sabihin ko sayo ang sikreto namin because your one of the people I trust."

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon