Chapter 3 (Little by Little)

280 14 1
                                    

Gumising ako ng late dahil 1 pm pa ang pasok ko. This time ay magcocomute ako dahil  nasa school na si Youngjae, magkaiba kami ng sched pagpasok kapag Tuesday. Nakabusangot ang pagmumukha ko dahil sa nangyari kagabi, nawala na lang bigla si Sehun. Iniisip ko nga na baka nananaginip lang ako kagabi pero ng makita ko ang basong dala ko kagabi para kay Sehun, It means totoo nga.

Nag-open muna ako ng Weibo, IG and Twitter to check updates about Sehun. Daily routine ko na kasi ito every morning kasi baka may mga news about sa kanya or baka naman may post or status siya sa accounts niya.

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Wait si Sehun may post sa IG 15 minutes ago! May picture ng view sa bintana ng condo niya.

oohsehun:

   Woke up with a smile on my face. Hope that wasn't just a dream. ☺

May mga comment saying.
"Oppa!! Saranghae! ♥"
"Marry me Sehun Oppa!"
"Dream of me tonight Bae ♥"

HALA ANG TALANDE NG MGA TOH!!

Ano daw? Sana hindi lang yun panaginip? Ano kayang napanaginipan niya?

"Sinong napanaginipan mo? Ako kaya? Sana ako na lang" sabi ko sa standee ni Sehun. I'm sure naman na hindi ako yun dahil walang kasiguraduhan na siya nga ang kausap ko kagabi. Baka hindi ako kilala ng totoong Sehun na pinapangarap ko.

-----

Kasama ko ngayon si Youngjae na naglalakad papunta sa kotse niya para umuwi.

Sasabihin ko kaya sa kanya yung nangyari kagabi? Baka naman tawanan lang ako nito.. you know, haters gonna hate nga diba.

    "Jae, naniniwala ka ba sa magic?" Tanong ko.

   "Magic? Hindi noh! Mga bata lang ang naniniwala dun. Bakit?"

     "Wala naman tanong lang." Sagot ko. Hindi ko na sasabihin sa kanya dahil sa magic pa nga lang di na siya naniniwala ano pa kaya kapag sinabi ko na nakasama ko kagabi si Sehun.

     "May ibibigay nga pala ako sayo." Aniya.

Kinuha niya sa bag niya ang isang box at binuksan ito sa harap ko.

     "Bracelet?" Tanong ko.

     "Ay hindi. Baka necklace, pagkasyahin mo sa leeg mo!" Aniya.

     "Ito naman. Para sa akin toh? Anong meron?"

     "Nakita ko kasi sa mall yan nung isang araw, eh may letter J kaya naalala ko na birthday mo the day after tomorrow kaya naman binili ko." Aniya.

Isinuot niya ito sa kanang wrist ko. "Ang bait mo ngayon ah. Ang sweet mo naman. Gumawo!" Sabi ko at niyakap ko siya.

     "Ano ba wag mo akong yakapin. Ang init!" 

     "Ang arte mo naman, nagpapasalamat lang eh. Teka nga, bakit di mo sa akin ibigay sa mismong araw ng birthday ko?"

     "Good thing na tinanong mo yan. I want you to wear that sa araw ng birthday mo dahil may second gift pa ako sayo. Di ko man gusto ang gift na yun ay gagawin ko dahil hindi ako masamang kaibigan. Pero ipangako mong dapat wala kang schedule ng 4 pm sa araw ng birthday mo dahil malaki ang mawawala sayo." Aniya.

     "Ano ba yan..uhmmm wait isipin ko..."

May sched ba ako sa birthday ko except sa dinner sa bahay?? I guess wala.

     "OKAY! Deal! I'm so excited!" Sagot ko.

     "Wag kang magsuot ng basahan ha. Yung magmumukha ka namang tao." Aniya.

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon