Sehun's P.O.V.
Isang linggo na matapos makipagbreak si Miranda sa akin. Hindi ganun kahirap ang moving-on process pero syempre mahirap pa rin. So far ay wala naman akong naririnig na balita tungkol sa break-up...siguro dahil naging tahimik ang aming pag-uusap noon kaya walang nakaalam. Ayoko ng mapag-usapan pa ang tungkol dito, mas lalong ayokong malaman ng lahat ang dahilan kung bakit. Kahit naman niloko ako ni Miranda, bilang siya ang babae kailangang protektahan ko parin ang reputasyon niya bilang isang modelo.
Habang naghihintay ako ngayon sa dressing room bago ako interviewhin ay kausap ko si Manager Hyung. Siya lang din ang tanging nakakaalam na hiwalay na kami.
"Sino ang host ngayon?" Tanong ko.
"Hindi ko maalala yung pangalan niya eh. Basta bago lang daw yun dito sa KBS, pero mukhang magaling naman siya."
"Sehun..." Dagdag nito.
"Kapag ba tinanong ka tungkol sa break-up, sasabihin mo yung totoong rason kung bakit?"
"Hindi ko alam kung posibleng alam na ng mga tao ang tungkol dyan, pero siguro pananatilihin ko na lang na lihim ang dahilan."
"Tama yang desisyon mo. Alam mo, swerte si Miranda dahil isang tulad mo ang naging boyfriend niya. Baka kasi kung ibang lalaki yan at naloko sila, baka gawin pa nilang paraan ang pagsira sa kanya bilang ganti sa panloloko niya sa kanila."
"Minahal ko naman si Miranda. Kung gagawin ko man ang bagay na yan, parang sinabi kong di ko siya minahal."
"Proud talaga ako sa alaga ko. Sige na, it's time for the interview, kailangan mo ng lumabas."
Tumayo ako at tumingin saglit sa salamin. Handa ako sa kung ano man ang itatanong sa akin ng host.
Lumabas na ako sa dressing room at nagtungo sa backstage. Nadidinig ko ng kauntian ang boses ng host na pinapakilala ako.
"....let's all welcome, Mr. Oh Sehun! A round of applause everyone!" Yun na ang hudyat para pumasok ako sa studio. Makisig akong lumakad at nakangiting kumaway sa mga audience. Pagkatapos noon ay tsaka ako tumingin sa host na makakasama ko, pero hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko doon.
"J-jeon Hye?" Yun ang lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Standee
Fanfictie"I just woke up in the middle of the night having the ultimate love of life talking to me...I must be dreaming or I'm just talking to his standee." -Jeon Hye