Chapter 15 (Acceptance)

131 8 7
                                    

AN: {Chapter inspiration... Kim Na Young's Hope and Hope. Play the MM]

----

"Bakit hindi mo sa akin sinabi?"



"Ha?" Nagtataka akong tumingin kay Sehun. He's face was serious.



"Why didn't you tell me that you like me?" Aniya.



Para naman akong nabulunan sa sinabi niya. "Anong sabi mo?"



"Your bestfriend told me everything, Jeon Hye."



"Anak ng patatas." Bulong ko.



"Ano?"



"Sinabi ko naman sayo na gusto kita di ba? Before ka pumuntang States." Daretsong sagot ko.



"I-I thought you-"



"Na nag-jojoke ako? Simpleng paghanga lang lahat yun? Ganun ba?"



"I'm sorry." Aniya. Sana nga may magawa yung sorry nya para gumaan yung loob ko. Wala akong karapatang magalit pero he told me he like me too or ako nga lang ang nag-isip.



Saglit kaming natahimik bago ako nagdecide na magsalita.



"May gusto akong malaman mula sayo." Sabi ko.



"Bakit siya? Mahal mo ba siya?" Pagpapatuloy ko.



Kumunot naman ang noo niya. "Of course I do."



Tumawa ako ng pilit. "So ako nga lang talaga ang nag-isip na gusto mo rin ako. At least ngayon malinaw na sakin." May traydor na luhang lumabas sa mata ko nang hindi ko namamalayan.



"I'm very sorry Jeon Hye, I didn't mean na paasahin kita. Kung alam ko lang edi sana nilinaw ko ang lahat sayo sa una palang para di ka masaktan..." He held my hand and gently squeezed it. "...and I like you, but not the like that you're thinking. To tell you honestly, masaya akong kasama ka. Nasasabi ko lahat ng hindi ko kayang sabihin sa iba. At nagpapasalamat ako dahil sa mga panahong hindi kami okay ni Miranda ay nandyan ka. Sorry kung hindi ako naging totoo sayo dahil kahit kelan ay hindi ko sayo nabanggit si Miranda, kasi natatakot ako. Fan kita at alam kong hindi niyo magugustuhan na malamang may karelasyon na ako. Pero dahil rin sayo, narealize kong dapat ipaglaban ko ang kalayaan ko bilang tao. Naging malaya nang makasama kita, dinala mo ako sa mga lugar na di ko napupuntahan dahil sa sikat ko at baka maraming makakita. You've shown me the real world, Jeon Hye."

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon