Chapter 6 (Date?)

202 7 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na ingay mula sa banyo ko. By

Bukas pa ang ilaw, ang pagkakaalam ko ay pinatay ko ang ilaw doon bago ako matulog kanina.

Narinig ko ang unti-unting pagbukas ng pinto at laking-gulat ko ng lumabas si Sehun mula doon. Napalingon naman ako sa may bintana at nalaman kong wala pala ang standee doon.

"Ay sorry, nagising ba kita? Bigla kasing sumara yung toilet cover ng hindi ko sinasadya." Aniya at tumayo sa harap ko.

"Hindi, okay lang. Nagulat lang ako kasi may ilaw sa banyo. Andun ka pala." Sagot ko.

"Nakigamit na ako ng banyo kahit di ako nagpaalam, sobrang na-ccr na kasi ako."

"Ayos lang yun kesa naman magtiis ka dyan baka magkasakit ka pa sa bato." I joked. "Btw, kanina ka pa ba dito?"

"Kanina pang mga 10 pm. When I changed ay natutulog ka na so hindi na kita ginising."

"2 hours ka nang nandito? Sana ginising mo na ako, okay lang naman sa sakin yun eh."

"May gusto nga pala akong sabihin."

"Ano yun?"

"Di ba you told me earlier na ipapasyal mo ako kapag may pagkakataon?" Tanong nito.

I nodded. "Oo."

"Then let's do it tonight. Okay lang ba?"

"Aba oo naman. Ngayon na as in? Sige sige. Give me 5 minutes, magbibibihis lang ako."

"Okay." Aniya. "Jeon Hye."

"Bakit?"

"May damit ka bang pwede sa akin? Kasi itong suot ko ay yung damit ko lagi pag napupunta ako dito eh, ang awkward naman kung naka-all white ako (Nature Republic standee kasi ang meron si Jeon Hye so yun.)" He explained.

Natawa ako ng konti. "Meron ako dito kaso kay Youngjae yun eh. Okay lang ba sayo yun?"

"Oo naman. Okay lang."

Habang nagbibihis ako sa banyo ay nagbibihis Si Sehun sa kwarto. Gusto kong manilip kaso bad yun xD may natitirang pride parin naman ako sa balat ko noh! >___<

-----

"Teka Jeon Hye, saan tayo pupunta?" Tanong ni Sehun habang hila-hila ko siya paakyat ng bus.

"Diba sabi mong ayaw mo na ng stress at gusto mong kahit isang araw ay malaya ka? So ngayon I'll bring you to a place where you'll forget who you are, a place that no one could ever notice you as Oh Sehun." Sagot ko pagkaupo namin sa bus. Nakahoodie si Sehun kaya hindi siya makilala ng mga tao dito. Mahirap na, baka madelay pa ang #KiligDate namin ni Sehun. ^o^

Pagkarating namin sa amusement park ay tila ba isa siyang bata na first time lang rito, panay ang turo sa mga rides at parang kwago ang mata sa pagkamangha.

"Yah. Okay ka lang?" Tanong ko.

"Oo. Sobrang saya ko lang dahil last time na nakapunta ako sa ganitong lugar eh nung hindi pa ako artista, kasama ko ang mga high school friends ko."

"Edi kung ganun ay wag na nating sayangin ang oras, mag-enjoy na tayo." Sagot ko.

-----

Nagsimula na kaming sumakay sa mga katakot-takot na rides pero nawawala ang takot ko kapag naiisip kong kasama ko si Sehun.

Nakakahiya nga lang dahil sa pangit ng itsura ko kapag sumisigaw at baka tinatawanan niya sa ako sa loob-loon niya. Pero siya, effortless ang kagwapuhan, manly ang sigaw.

After namin sa rides ay naglaro naman kami sa mga booths. Nanalo siya ng medium-sized panda bear at binigay niya sakin. May gift na naman ako galing kay Sehun. Nakakakilig!!!!

"Tara kumain na tayo, libre ko na tutal ikaw na nagbayad dito sa park." Sabi ko.

"No. Ako rin magbabayad nun. Tsaka ikaw kaya nag-abono kasi wala akong pera diba? Basta ibabalik ko lahat ng nagastos mo, kabayaran yun sa pagpasyal mo sa akin rito. Salamat ha." Aniya.

"You're welcome. Special ka sa akin Sehun." Sagot ko. Sa akin ay natural lang ang pagsasabi ko ng ganun sa kanya dahil syempre fangirl ako. Kahit I love you ay natural lang yun sa kanya dahil milyong babae ang nagsasabi nun sa kanya, pero bakit parang nawala ang ngiti niya noong sinabi ko yun? May masama ba roon?

"Tara na nagugutom na ako eh." Aniya at nagsimulang lumakad patungo sa restaurant na nakatent.

Namangha ako kay Sehun dahil kumakain pala siya ng mga simple katulad ng rice cake at bibimbop. Nakatulala lang ako sa kanya habang kumakain siya.

Napansin niya naman ata na nakatingin ako kaya napatigil siya. Ngumiti ito. "Bakit? Nagulat kang kumakain ako ng mga toh?" Aniya.

I nodded. "Well, secret lang toh ha, ang totol pinagbabawal sa akin ito ng manager ko dahil nasa diet ko yun, pero pag wala siya.. nakakalusot ako. Ang sarap kaya." Aniya.

Ang dami kong nalalaman tungkol sa kanya. Totoo palang simple lang si Sehun at walang kakemehan sa sarili.

"Kumain ka na, hindi na yan masarap kapag malamig na." Aniya.

"Osige." Sagot ko at nagsimula ng kumain.

"Sehun pwedeng magtanong?"

"Oo naman."

"It may sound personal pero gusto ko lang malaman..may naging girlfriend ka na ba? Well, I know kasing wala kang girlfriend ngayon dahil wala naman sa news, pero gusto ko lang malaman kung may naging girlfriend ka na."

Bumuntong-hininga ito bago sumagot. "Yup. I had one. My first and my last." Sagot nito.

"Really? Nasaan na siya? Anong nangyari?"

"It's complicated. Nasa states na siya." Sagot nito.

"Whoo! Akala ko magagalit ka kapag tinanong ko yun sayo. Thanks for sharing." Sagot ko.

"Wala yun. Pero wag na natin siyang pag-usapan." He smiled bitterly.

Siguro hindi maganda ang naging katapusan ng relationship nila nung girl, pero swerte yun ha..isang oh-so-hot Oh Sehun ang naging boyfriend. Kung ako yun, hindi ko siya pakakawalan.

----

Pagkatapos ng pagkain namin ay napagdesisyunan naming bumalik na sa bahay dahil 2 pm am at may pasok pa ako bukas. I'm sure zombie ako bukas. >___<

"Matulog ka na ha, salamat ulit." Aniya.

Bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit. "No Sehun, thank you. Pinasaya mo ako." Sabi ko.

He remained frozen after the hug. Nabigla ko ata siya. "I'm sorry." Yumuko ako.

"No it's okay." He smiled. "Now take a rest, mamaya magiging standee na rin ako. Magbibihis muna ako ulit." Aniya.

Tumango ako. "Good night Sehun."

"Good night" he replied at humiga na ako. Pumasok naman siya sa banyo dala ang damit niya.

Hindi ko makakalimutan ang gabing ito, I'll tell this to my future children, my grandchildren, my great grandchildren and great great great grandchildren!!

Paunti-unti ay naramdaman ko na ang antok hanggang sa nakatulog na ako.

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon