Chapter 9 (K News)

150 9 0
                                    

Pagkatapos ng mga aminan at pag-amin ay hindi ko na nakikita si Sehun at Youngjae. Naiintindihan ko naman si Sehun kung di na siya nagpapakita dahil alam kong busy siya, pero bakit si Youngjae mailap? Anong ginagawa niya, akala ko ba okay na kami after ng usapan namin? Sabi niya okay lang, hinalikan niya pa nga ako sa noo bago umalis ng kwarto ko nun eh. Hindi na rin niya ako hinahatid-sundo.

Pag makakasalubong ko siya, iiwas siya o kaya naman may kakausaping iba. I'm putting post-its sa locker niya saying na puntahan ako sa library pero kahit anong hintay ko ay walang Youngjae na dumarating. Feeling ko kulang talaga ako, wala akong magawa kundi tingnan lang siyang umalis ng school kasama ang mga kaklase niya

Naisip kong puntahan si Youngjae sa bahay nila after ng klase. I'm 100% sure na ngayon ay hindi niya na ako maiiwasan.

Pagkatapos kong magdoorbell sa gate nila ay binuksan ito ng Mama niya.

"Hi Jeon Hye. Long time no see ah." Bati nito.

"Good evening po Tita, nakauwi na po ba si bestfriend galing school?" Tanong ko.

"Oo kakarating niya lang. Teka...hindi ba sabay kayong umuuwi palagi? Hindi ba?" She asked.

"Eh kasi po Tita..ano.."

"Oh tampuhan ba?" Tanong nito.

I just nodded. Nahihiya ako kay Tita kasi ngayon lang kami naging ganito at nalaman niya pa.

"Sus natural lang yan sa magbestfriend. Hala pumasok ka para makapag-usap kayo, ang alam ko ay nasa entertainment room siya naglalaro ng Playstation." Aniya.

"Ah sige po Tita salamat. Aakyat na po ako." I replied at pumasok sa loob ng bahay nila.

Nang buksan ko ang pinto ay lumingon si Youngjae, ngunit ng makita niyang ako ang nandoon ay bumalik ang atensyon niya sa paglalaro ng PlayStation.

"Jae.. sorry kung pumasok na ako ha." Sabi ko at sinarhan ang pinyo. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at nag-aabang ng pagsasalita niya.

"Jae, pansinin mo naman ako. Akala ko na okay na tayo? Di ba? Jae-"

"Anong kailangan mo?" Tanong niya.

"Can I talk to you? Please? Last na toh if ayaw mo na talaga then I won't talk to you ever again. I just want you to hear me out. Okay?" Sabi ko.

He nodded. "Umupo ka." Aniya kaya naman agad akong tumabi sa sofa na kinauupuan niya ngayon.

"Talk." Aniya habang nilipat ang PlayStation sa channel ng tv.

"Actually gusto kong malaman kung bakit hindi ka nagpapakira sa akin this past few days. May nagawa na naman ba ako?" I asked as I was looking straight into his eyes.

"I just made a promise that I've said months ago." He replied.

Kumunot ang noo ko. "Promise? What promise?"

"I said na kapag naging close kayo ni Sehun ay ako na mismo ang iiwas di ba? Remember?"

"Ha? Ano ka ba, eh alam naman nating pareho na it was just a joke, a stupid joke." I faked a laugh.

"Well for me serious yun and I don't want to break a promise especially sayo."

"Eh paano yung promise mo nung first year ng friendship natin na bestfriends forever? Babaliin mo ba yun?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot.

"See? You'll just break a promise. Now please don't do this, stay with me." Hinawakan ko ang kamay niya.

"I can't. I'm hurting for years na naglihim ako ng nararamdaman, but I just can't accept the fact that you're in love with somebody else. I just can't Jeon Hye." He replied.

"Youngjae naman eh, lahat napagdaanan na natin bilang magkaibigan, ayokong matapon lang lahat yun. Friendship lang ang kaya kong ibigay sayo. Mianhe Youngjae. Mianhe."

"I understand naman kung mainlove ka sa iba, pero kay Sehun? Hindi pwede."

"Bakit hindi? Kasi ito lang ako? Hindi kami bagay?"

"Ni hindi yun. Ayoko kitang makitang nasasaktan. Oo, pwedenf hindi ka niya saktan..pero ang mga tao sa paligid niyo? Kaya nila. Artista siya at marami kang maririnig na bagay na hindi magugustuhan. Maraming hindi makakatanggap ng sitwasyon kahit anong paliwanag niyo. Hindi sapaf ang sabihin niyo lang na 'We like each other at walang makaka-hadlang doon' Hindi yun ganun kadali Jeon Hye. Ayoko lang na dahil dun ay masaktan ka." He explained.

Bago pa ako makapagsalita at naagaw ang atensyon naming dalawa sa t.v.

"It is known to fans that Oh Sehun went to States 3 days ago for a solo concert. And now several sources revealed that he was still in vacation with a mystery girl. They were spotted in some places in America with some friends. But there were sources saying that Oh Sehun was with his cousins and photos revealing the girl was only one of his cousins. Though these rumors are still unclear, fans posted support for their idol and commented on his weibo and instagram account. Stay tuned for further details on Sehun's rumored vacation. KNews reporting. Have a good day everyone."

Nang marinig ko yun ay hindi ako kumibo. Tumawa na lang ako ng mahina. "No. Rumor lang yan. Hindi yan totoo." Sabi ko.

"See? May iba siya, sasaktan mo lang ang sarili mo Jeon Hye." Sabi ni Youngjae.

"Ano ba! Di ba sabi nga rumor lang yan?! Bakit ka maniniwala doon?!" Tumayo ako at di ko na napigilan ang pagluha ko.

Niyakap ako ni Youngjae at nagpatuloy ako sa pag-iyak. "Kasasabi lang niya sa akin last time na gusto niya ako. He likes me, kaya hindi totoo yan!!" I said between my sobs.

"Shhhh.. it's okay. Ilabas mo lang yan, lilipas din yan. Andito lang ako." Aniya at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya.

"Hindi ako maniniwala hangga't hindi siya ang nagsasabi sakin." I said.

"I understand. Ganito na lang okay, kung sabihin niyang di totoo yan then go, I'll let you be happy with him. Kung totoo naman yang balita, I will never have a second thought na ilayo ka sa kanya. Araseo?" Aniya.

I just nodded.

"I will never let anyone hurt you. Never." He hugged me one last time at naramdaman ko ang unti-unting pag-gaan ng pakiramdam ko.

At least kahit anong mangyari may taong mananatili sa tabi ko.



Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon