Chapter 18 (Stop All the Clocks)

119 6 1
                                    

Natapos ang presscon na hindi ako umaalis. Sobrang masakit man ang narinig ko, masaya parin ako dahil sa message niya para sa mga fans niya.



Lumabas na ako ng hall dahil maya-maya ay lalabas na rin sila Sehun at Miranda at delikado pang makita nila ako.



Naglalakad ako palabas ng hotel ng marinig kong may tumawag sa akin. "Jeon Hye? Ikaw ba yan?"



Jeon Hye, please wag kang lilingon...si Sehun yan!



Mas binilisan ko pa ang paglakad ko para hindi niya ako maabutan ngunit bigo ako ng kapitan niya ang braso ko.



"Jeon Hye, Hi!"



Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "H-hi...andito ka pala?"



"Yes, kasi nagpatawag kami ng presscon. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" 



"I had a talk with a friend...oo yun." I lied.


"Ah ganun ba? Ah by the way, you know what? Nasabi ko na sa kanilang lahat ang tungkol sa amin ni Miranda. Tinupad ko ang pangako ko sayo, isn't that great?" Masayang saad nito.



"O-oo naman. Congratulations! S-sige...uhm.. I got to go. Bye." Tinanggal ko ang pagkakapit niya sa braso ko at akmang aalis na.



"I'm sorry." Aniya kaya lumingon ulit ako sa kanya.



"Anong sabi mo?"



"Patawarin mo ako Jeon Hye...for hurting you, for making you believe that there can be something special between us aside from being friends. Sana pala nilinaw ko na agad sayo lahat. Sayang at hindi mo narinig ang mga sinabi ko sa presscon kanina para malaman mo kung gaano ako nagsisisi sa ginawa kong pananakit sayo."



I sighed. "Narinig ko naman eh. To be honest, I was there kaso lang ayaw kong magpakita sa inyo ni Miranda kasi hanggang ngayon masakit parin. Pero wag kang mag-aalala, napatawad na kita. Actually, wala ka naman talagang nagawang masama...ako lang tong nag-assume. Naiintindihan ko lahat ng mga sinabi mo, hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko sayo bilang isang tagahanga dahil kahit anong pagbabaliktad natin ng tadhana at panahon, isa lang ang mamahalin mo, kahit na masakit man...si Miranda yun." I tapped his shoulder and smiled. "Pero wag kang mag-alala, okay ako... magiging okay ako. Matatag ako di ba?"

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon