AN: Warning!
Read between the lines up to the last word of this chapter!
----
Jeon Hye's P.O.V.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng bumalik ako dito sa Korea. Namiss ko ang weather dito, ang mga tao at ang kultura. Medyo may pagkakapareho nga ang Singapore sa Korea pero iba parin talaga ang kinasanayan. Sinundo pa ako ni Youngjae sa Singapore...gusto niya daw kasi siguradong makakabalik ako ng Korea ng ligtas. Ang lalaking yun talaga oh...ang sweet. Minsan nga di ko mapigilang kiligin.
At pagdating ko sa Korea, may nakaabang na saking trabaho sa KBS. At hindi ko akalaing si Sehun ang unang iinterviewhin ko sa first day ko sa trabaho...para ngang Déjà vu lang eh. Dati parang napagtripan ko lang na kunin ang ganitong kurso dahil kay Sehun pero nang pumunta ako ng Singapore...nagbago lahat yun. Naisip ko dapat hindi ko gawin ito para sa kanya kundi para sa pamilya ko at para sa akin. Nagbago ang tingin ko sa mundo, ang laki pa pala ng sakop ng mga bagay na hindi ko alam dahil noon lagi lang akong nasa apat na sulok ng kwarto ko, doing the fangirling and stuffs. Noong nasa Singapore ako, narealize ko...hindi lang pala sa pagiging fangirl dapat tumakbo ang buhay ko, may mga tao sa paligid ko na dapat ko ring pagtuunan ng pansin. Isa na doon si Youngjae, mas nakita ko yung determinasyon niya sa akin na talagang pumupunta pa siya sa Singapore para lang makita ako. Si Papa, narealize ko ang hirap niya doon sa pagtatrabaho lalo na't wala kami ni Mama sa tabi niya. Kaya naman noong nandun ako, we always make sure na nakakapagbond kami ni Papa after his work and my schooling.
Singapore was also one of my healing tool para makalimutan yung heartbreak ko noon kay Sehun and of course with the help of Youngjae. He always make me feel special na para bang ang fragile ko.
Nang matapos ang interview ay nagmamadali akong pumasok sa dressing room. Aaminin ko, naawkward kasi talaga ako kay Sehun kaya naman gumagawa ako ng paraan para hindi kami magkausap.
Nag-aayos ako ngayon kasi susunduin ako ni Youngjae tonight dahil may dinner kami kasama ang cute na cute na si Baby Lin. And I was expecting na nakaalis na si Sehun, pero I was wrong dahil paglabas ko ng room ay nandun siya na tila may inaabangan.
Lumingon siya ng makita ako at ngumiti. "Mabuti andito ka pa. Akala ko kasi umalis ka na eh."
"Paalis na sana ako...bakit? May sasabihin ka ba?" kinakabahang tanong ko.
"Gusto lang sana kitang makamusta. Kasi kanina sa interview hindi naman tayo pwedeng magtanungan ng tungkol sa personal. Pwede ba tayong mag-usap ngayon?"
Ngayon na? Paano yan di ko pa kaya, nahihiya ako. Anong sasabihin ko?! "Ah ano...kasi. Pasensya ka na Sehun, may lakad kasi ako ngayon eh...medyo late na nga ako." Sabi ko.
"Ah ganun ba? Sayang naman. Mukhang mahalaga yan ah,sinong kasama mo?" He smiled.
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Standee
Fanfiction"I just woke up in the middle of the night having the ultimate love of life talking to me...I must be dreaming or I'm just talking to his standee." -Jeon Hye