Chapter 2 (The Standee's Spirit)

298 15 3
                                    

"Anak nasa baba na si Youngjae." Omy! Si Eomma nasa pinto? Naku wait hindi niya pwedeng makita si Sehun dito.

"Yes Ma! Bababa na po!" Sagot ko.

Inayos ko na kasi ang kwarto ko para hindi linisin ni Eomma, baka makita niya pa si Sehun dito noh. Ilolock ko rin ang pinto para sure.

Lumabas na ako sa gate at andun si Youngjae at Eomma.

"Anak, iniwan mo bang bukas ang kwarto mo? Maglilinis kasi ako ngayon nun eh." Ani Eomma.

"Nakalock po. There's nothing to worry about, malinis ma malinis ang kwarto bago ako lumabas." Sagot ko.

"Sure ka? Sige mag-iingat kayo ha." Aniya.

Yes! Di nangulit!

"Let's go Jeon Hye." Ani Youngjae.

"Ne." Sagot ko at sumakay sa kotse niya.

-----

"Alam mo Jae, grabe! Ang sarap ng pakiramdam na andun si Sehun sa kwarto ko. Feeling ko nakabantay siya sa akin sa pagtulog na kahit lamok hindi dadapo sa akin dahil natatakot sa kanya. I feel so safeeeeee!" Sabi ko.

"Safe mo yang mukha mo! Sino ba namang tanga ang maniniwala sayo?"

"Para lang naman eh. Di naman totoo, feeling lang. Ito naman ang KJ!"

"WHATEVER! Tara na late na tayo." Nagpark na siya ng kotse at sumunod naman ako sa sinabi niya.

Bakit ba ang init lagi ng ulo niya kapag binabanggit ko si Sehun? Ang weird nitong Eps na toh. Ihahanap ko toh ng girlfriend para may pagka-abalahan.

"Best, gusto mo ipakilala kita dun sa classmate ko? Maganda at mabait yun..hindi siya fangirl nang kung sino kaya sure akong magkakasundo kayo." Sabi ko habang naglalakad na kami papunta sa building ko. Ihahatid niya kasi ako, sweet diba?? Hahaha!

Tumigil siya sa paglakad at lumingon sa akin. Napatigil na rin ako.

"Pwede ba Jeon Hye, ayoko makipagdate o makipagkilala sa iba! Ayoko! Tigilan mo na ako dahil hindi mo ako mapipilit!" Sigaw niya.

"Eh baka lang kasi makatulong ako sa pagbawas sa kasungitan mo eh." Nanginginig kong sagot. Natakot ako sa kanya.

"Pumasok ka na. Kita na lang tayo pag-uuwi na." Dry niyang sagot.

"Sorry na."

Nagdare-daretso siya sa paglalakad t iniwan ako sa kinatatayuan ako.

"Yah! Sorry na!" Tawag ko sa kanya pero dedma.

Ano ba yun nagalit agad. Minsan talaga..hindi ko siya maintindihan.

------

"Alam mo si Sehun, minsan naiinis din ako kay Youngjae. Ang weird niya, laging masungit. Iniisip ko, baka dahil s break-up nila ni Stef kay ganun siya. Pero parang imposible din kasi siya ang nakipagbreak kaya hindi siya madedepress. Naninibago talaga ako sa kanya. Mabuti ka pa nga kasi hindi ka masungit, lagi kang nakangiti tapos lahat ng atensyon mo ay nasa akin lang. Lagi ka pang andyan para sa akin. I love you talaga Sehun!" Hinalikan ko si Sehun bago mahiga sa kama at matulog.

-----

Bigla akong nakaramdam ng lamig sa paa at kamay ko. Binuksan ko ang mga mata ko dahil parang may tao sa tabi ko. Teka? Minumulto na ba ako?! Jeon Hye wag kang lilingon sa may bintana..no!

Oh Sehun's StandeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon