Chapter 7

7 1 0
                                    

Natapos na ang klase namin at palabas na sana ako ng makita ko siya sa labas ng gate na naghihintay.

Pumunta talaga siya pwes paghihintayin kita dyan hanggang sa mainip ka...bahala ka na dyan na maghintay  kasi wala kang mapapala...hindi ako lalabas kahit gumabi pa.

Bumaba na ako mula sa hagdan para pumunta sa paborito kong tambayan sa may bench tree at sakto nandoon si Alex.

Mukang malalim ang kanyang iniisip dahil kahit anggulo ng kanyang mukha ay makikita pa rin ang ekspresyon nito.

Magulat nga siya...

"Hi Lex!!" ayun

"Ano ka ba naman Charlie..." reklamo niya sa akin

"Ang tamlay mo kasi kaya sinubukan lang kitang gulatin" paliwanag ko sa kanya

"Ako matamlay?...hindi kaya" tanggi niya

"Suss indenial...ano tungkol ba uli sa kanya?" I asked

"Sino na naman ba?" Irita niyang tanong

"Kunwari ka pa!" tyaka pinitik niya ang noo ko

"Ulayanin ka na ba talaga o sadya lang?" hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nito

"H-huh?" yun na lamang naisagot ko

"Wala sabi...bat ka ba nandito kasi?" bwisit na Alex.

Matapos ang usapan namin ni Alex ay tinuro niya sa'kin ang iba pang daan palabas ng school...sinabi ko kasi sa kanya ang dahilan kung bakit di ako makalabas pero ang siya naman itong tanong ng tanong kung ano meron.

"Charlie! Kanina pa kita tinatanong, sagutin mo naman ako dito" Mukang kating-kati na malaman ah

"Wala lang ito Alex" sabi ko na lamang

"Eh wala naman pala, bat mo tinatakasan?" tanong niya

"Kasi nga kukulitin niya lang ako nun" sabi ko   

"Bakit magkakilala ba kayo?" he asked

"Konti lang, kaya wag ka nang sasatsat pa dyan baka mabilakuan ka sa kinakain mo"sabi ko na lamang

Sa wakas nakauwi nadin ako at salamat dahil hindi ako nasundan yung Aian na yun dahil kung nasundan man ako baka lumilipad na naman ako papuntang langit...

Pagbukas ko sana ng pinto ng aking kwarto ay tila nakakarinig ako ng mga yapak sa loob kaya naman kinuha ko kaagad yung vase na malapit sa pwesto ko at dahan-dahang pinipihit ang pinto para pumasok ng di nahahalata.

Ihahampas ko na sana ang vase sa kanyang ulo ng humarap siya sa akin na ngumingiti ng nakakaloko.

Oo natakasan ko nga siya kanina pero mukang di ko na siya matatakasan ngayon...idagdag pa kung paano siya nakapasok dito sa kwarto.

Mukang dumaan siya sa bintana...oppss sinabi ko pa...kasi halata naman kasi kung pumasok siya dito galing pinto sa baba edi sana sinabi na agad nina manang na may bisita eh wala naman silang sinabi sa akin kaninang pagpasok ko kaya sa bintana talaga siya dumaan.

"Sabi ko na sa'yo diba!?...ayaw kong sumama sa'yo kaya nga kita tinakasan kanina!" I shouted her.

"Papayagan kita sa gusto mo pero hayaan mo akong bantayan kita" ano naman ba ito?.

"Ano na namang kabaliwan itong pinaggagawa niyo sa akin...hindi ako bata para bantayan nyoko ni kahit nga si mommy hindi na'ko binabantayan, ikaw pa kaya?" sabi ko muna ng mahinahon

"Look Charlie para na rin ito sa ikabubuti mo, sa kaligtasan mo" nagtitimpi na ako ng galit sa kanya dahil sa mga sinasabi niya sa akin

"Kung gusto niyong may binabantayan huwag ako...pumili kayo ng iba dahil hindi ako kasali sa laro niyo!"

The Archer Where stories live. Discover now