Chapter 37

6 1 0
                                    

Pagkatapos kong marinig ang putok ng baril ay kaagad na akong lumabas sa may butas na itinuro ni Anthony sa akin kanina, nagawa niya pa talagang isakripisyo ang buhay niya para lang sa akin, kung tutuusin, desisyon niya naman iyon eh kaya wala dapat akong ikabahala kaya lang nangingibabaw pa rin sa akin yung konsensiya baka kasi makahalata pa yung mga kasamahan niya.

Hindi ko alam kung saan-saan na ako napapadpad, ganitong-ganito na naman ang nangyari noon eh, kung saan ako dinala ng tandang iyon noon at gaya ng dati parang iisang araw lang na nangyayari ang mga ito.

Tumakbo ako nang tumakbo sa daan, at tsaka lang ako napatigil ng may pumalo sa aking ulo dahilan para mawalan ako ng malay.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ramdam ko pa ang sakit ng aking ulo, pero nasaan ako ngayon at anong nangyari?

Inalala kong mabuti ang mga nangyari at doon ko pa lamang napagtanto na habang tumatakbo ako ay may pumalo sa aking ulo, hindi ko alam kung sino iyon dahil habang tumatagal na umiikot ang paningin ko sa paligid ay bigla na lamang akong natumba pero bago pa ako mawalan ng malay ay may nakita akong lumapit muna sa akin bago ko ipikit ang mga mata ko at hindi ko alam kung sino iyon.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko at gaya ng sinabi ko kanina parang iisang araw lang ang mga nangyayari dahil parang nakapunta na ako dito kwarto ito kung saan ako nagising kanina. Nabaling ang tingin ko sa nakabukas na pintuan at nakita ko si sir doon.

"Ayos ka na ba hija?" tanong niya sa akin at umupo sa kama

"Ayos na po ako sir, bakit nga pala ako nandirito sir?" pagmaang-maangan kong tanong sa kanya

"Hindi mo ba alam? nakita kita sa daan na nawalan ka ng malay at sugatan ang kamay mo kaya dinala kita dito" paliwanag niya sa akim

"Anong bang nangyari hija at pano ka na naman napadpad dito?" pagmamatanong niya muli sa akin, matagal ko siyang tinignan bago ko sagutin ang kanyang tanong

"May mga dumukot na naman po kasi sa akin habang nasa mall kami ng kuya ko at hindi ko alam kung sino ang mga iyon sir" pagpapaliwanag ko sa kanya

"At papaano ka naman nakatakas kung ganoon?" tanong niya sa akin at parang inoobserbahan niya ang bawat sagot ko.

"Nabaril ko ho yung isang kasamahan nila sir kaya inako ko na yung pag-asa na makatakas" pagkakasabi ko at tumango naman siya sa akin.

Pagkatapos naming mag-usap ni sir ay bumaba na kami para maghapunan, pagkatapos ay napagpsyahan kong sumang-ayon sa naging desiyon ni sir na dito muna raw ako magpapalipas ng gabi dahil hindi niya daw ako maihahatid ngayong gabi dahil sa kalayuan nito tsaka maggagabi na rin baka masyadong delikado sa daraanan namin.

Dahil wala akong magawa ay nilibot ko na lang ang buong paligid dito sa bahay na ito at sabi naman sa akin ni sir na feel at home daw kaya heto ako ngayon, pinapakialaman ang bawat nariritong gamit.

"Masyado pang maaga para gawin ko iyon" rinig ko sa kabilang kwarto kaya naman nilapitan ko ito at idinikit ang tenga ko sa pintuan para marinig ko ang susunod pa niyang sasabihin.

"Kapag naging padalos-dalos ako sa mga desisyon ko baka masira lahat ng plano ko! naiintindihan mo ba iyon!" mukang may kausap siya sa telepono dahil wala naman akong narinig na kausap niya sa loob.

"Hindi ikaw yung boss dito kaya hindi ikaw yung masusunod!" nagsalita siya muli at narinig ko naman ang mga yapak niya papalapit sa pintuan kaya naman nagmadali akong lumakad pabalik sa kwartong pinanggalingan ko kanina.

Ngunit habang naglalakad ba ako patalikod ay narinig ko siyang tumikhim dahilan para mapatigil ako at mapaharap sa kanya.

"Uhm...I was just...uhm" I smirked because no one words came out on my mouth

The Archer Where stories live. Discover now