Chapter 9

9 1 0
                                    

Maaga akong nagising upang hindi makita ni mommh ang mga namumugto kong mga mata, ayaw ko kasi na nakikita niya ako ng ganto tapos sisisihin niya na naman ang sarili niya.

Kapag nagkakaroon kami ng tampuhan ni mommy ay ipinagsasawalang bahala lang namin yun katulad ng walang nag-uusap o di kaya naman walang nagpapansinan hanggang sa mauwi na lang sa hindi malamang dahilan ay magkakabati na kami agad.

Bumaba na ako agad pagkatapos kong magbihis papasaok sa school kahit 6:00 pa lamang.

"Hija ang aga mo yata...umiyak kaba kagabi?" napanong si manang Jinjin sa'kin

"Ah hindi ho...napuling lang ako kanina" pagtanggi ko sa kanya

"Hija...kilalang-kilala na kita kaya 'wag mo nang ideny...pagpasensyahan mo na ang mommy mo, nadala lang siya sa emosyon niya" sabi niya sa akin

"Alam ko naman ho yun manang, pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako umiyak kagabi eh..."sabi ko

"Eh ano naman yun hija?" Tanong niya

"Namimiss ko lang po si ate manang" sabi ko 

"Bakit hindi mo siya bisitahin? Tyaka matagal ka na rin naman na hindi bumibisita sa puntod ng kapatid mo"

"Balak ko nga rin na bisitahin siya mamaya" sabi ko

Matapos akong mag-umagahan at ang mahabang pag-uusap namin ni manang ay nagpaalam na ako agad sa kanya dahil ayaw kong maabutan ako ni mommy. Kaya naman kay manong Andy nalang ako nagpahatid papuntang school.

Matapos akong ihatid ni manong Andy ay sinabi ko sa kanya na siya na muna ang susundo sa akin dahil balak ko pang pumunta sa sementeryo.

Maaga pa naman masyado, 8:00 pa lamang ang start ng klase ko kaya naman dumiretso muna ako sa library.

Pero habang papunta ako ay nakasalubong ko si Bella di pabida...bat ang aga ng babaeng tohh.

"Hey...bat ang- omg did you cry last night? Why? What happened?" Oh ano naman...makareact kala mo kung sino

"I don't have the right time to talk to you...so excuse me" I said

"Wait, can I ask you? Do you always get annoyed to me everytime we socialize?" heto naman pala ang tatanungin

"No I'm not...can I go now?" hingi ko sa kanya na umalis na.

"Wait...last question please?" I rolled my eyes before I turn my back at her

"Can I be your friends too?" tinigan ko lamang siya pero hindi pa tumagal ay tinalikuran ko na siya

Tanong siya ng tanong sa akin eh sa ayaw ko naman sa kanya, ayaw ko siyang maging kaibigan tyaka hindi niya ba nahahalata na maiirita talaga ako sa kanya?

I'd never been na hahantong ako sa ganitong sitwasyon na kailangan kong tarayan lahat ng mga taong mas mataray pa kesa sa akin, well I shouldn't blame myself because I know what I am doing even if it is right or wrong.

Siguro nasobraan lang ako sa mga kinasasangkutan ko noon at isa pa kailangan din naman ehh na kung sakali lang na may umapi sa akin...well I deserve to fight back because I don't like to show to them that I am a weak person...so if I need to fight, then I fight.

Pagkatapos kong lumabas sa library ay tumungtong na'ko sa klase dahil ilang minuto na lang ay magi-start na ang klase...pero sa paglalakad ko ay di'ko maiwasan mapatingin sa mga batang naglalaro sa baba.

Napaisip ako kung sakaling buhay pa rin si ate, gagawin pa rin kaya namin yang mga ganyang bagay...siguro hindi na kasi malalaki na rin kami. Ang sarap mamuhay kapag bata pa...yung walang iniisip na problema at ang tanging hangad mo lamang ay sumaya.

Haharap na sana ako ng biglang may kumurot sa pisngi ko.

"Aray naman ba't ka ba nanunurot ng pisngi" sabi ko kay Alex

"Ehh tulala ka diyan eh" sabi niya

"Tulala?...di naman ah" pagtanggi ko

"Suss kunwari ka pa eh kanina pa'ko nandito at pansin ko nga malapit na sana tutulo yang luha mo kanina-" pinutol ko ang kanyang sasabihin

"Oo na...dami mong satsat at tyaka ba't ka nakarating dito" irita kong tanong

"Dito room ko ehh" tyaka niya tinuro 

"H-huh?" yun na lang ang nasabi ko

"Oh ayan rin na ang room mo ehh...pasalamat ka dito ka natambay kung hindi 'di kana sana makakahabol sa klase mo" tyaka tinignan ko ang oras

Pagpasok ko sa classroom namin ay parang ang tatamlay lahat ng kaklase ko ngayon. Para silang nawalan ng isang lupa na iniingitan nila.

"Mind if I ask...bakit ganyan ang mga mukha nila?" tanong ko kay Kiev

"Check the facebook page of this campus" kinuha ko naman kaagad ang selpon ko at napalaki naman ang mga tingin ko sa nakita ko na post.

"Break lost? H-how come?"

Bakit pa naman nangyari sa kanila 'yun. Napakasakit naman isipin na humantong pa talaga sila sa ganitong sitwasyon na sabay silang namatay.

Sina Ma'am Kathy siya yung adviser namin dito sa room namin at si sir Mark naman ay siya yung mabait at palabiro naming teacher sa PE ngunit istrikto ito pagdating sa activities namin.

Madami siguro ang nagluluksa sa pagkawala ng mag-asawa na ito.

Lumabas muna ako ng saglit sa room namin dahil hindi ko makayanan na madagdagan na naman ang iniisip ko ngayon.

Palakad-lakad lamang ako sa pasilyo dito ng bigla nakita kong papalapit dito ang guidance counselor namin at may kasamang iba...parang pamilyar siya sa akin.

"Ms. Cabbrice, where are you going" she asked me at napatingin ako sa lalaking nasa mid 40's ang katandaan

"By the way...this is Pricon, siya ang bagong teacher niyo at teacher na rin sa PE class niyo" mga tango na lamang ang naging sagot ko sa kanyan...sir Pricon pala ang pangalan niya...yung nakabangga ko sa cafe noon.

Tumuloy na sila sa aming silid at ako naman ay tumungo sa comfort room.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin kung gaano ba ang napala kong iyak kagabi. Mugtong-mugto nga ang mga mata ko. Naghugas lamang ako ng mga kamay at lumabas na.

Papasok na sana ako sa room namin ngunit nakita ko si sir Pricon sa tabi ng pintuan at mukang hinihintay ako...ay oo nga pala kailangan ko ulit mag-sorry sa kanya sa nangyari sa cafe noon.

"Uhm sir sorry nga pala ulit sa nangyari sa cafe noon" I said at tumango siya

"At sir hindi naman po sa nangingialam ako pero ano ba ang connection niyo ni mommy at parang may galit yata sa'yo" saad ko

"I don't know hija... pumasok kana sa loob" sabi niya lamang

Umupo na ako sa upuan ko at narinig ko pang umirap ang katabi ko dahil sa inasta ko kanina. Tumingin ako sa may pintuan at nandoon pa rin ang bago naming guro, ngumiti siya sa wala. Anong meron?

Dahil sa hindi naman alam ni sir kung bakit may galit si mom sa kanya ay mas mabuti siguro kung layuan ko nang kaunti si sir baka kapag nalaman muli ni mom at nakikipag-usap ako kay sir ay baka mas lalong lumala pa ang galit sa akin ni mom.

Huwag ko na lamang sasabihin sa kanya na siya ang bago naming teacher. Hindi naman niya siguro tatanungin diba.

Pero hindi ko siguro maiwasan makipagclose kay sir once na may nagustuhan akong lesson na ituturo niya sa amin dito.

The Archer Where stories live. Discover now