Maaga akong nagising dahil weekend kaya naman napagpasyahan ko na yayain si kuya Jayson na mamasyal ngayong araw na ito.
"Good morning manang!" bati ko kay manang Jinjin at ganun din siya
"Seems like you have a good expression today" nagulat na lamang ako dahil nagsalita si kuya Charls sa kanyang kinaroroonan
"O-of course" sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya bago ako tumalikod
"Good to know" pahabol niyang sinabi sa akin
Habang kumakain kami ay pinag-uusapan na namin kung ano ang plano nila sa darating na kaarawan ko, at dahil magiging legal age na ako ay gusto nila mommy at daddy na magkaroon ng masosyal na pagdiriwang, tumanggi ako pero nagpumilit sila kaya wala akong nagawa kundi manahimik na lang.
Minadali kong magbihis dahil aalis na kami ni kuya Jayson papuntang amusement park at buti na lamang ay pumayag siya kaagad nung yayain ko siya.
Pagbaba ko pa lamang sa hagdanan ay nakita kong bihis na bihis din ang dalawa kong kuya, sasama kaya sila sa amin?...sinenyasan ko si kuya Jayson na aalis na kami at ganoon na lamang yung dalawa, I'm sure na sasama talaga sila. Kinalabit ko si kuya Jayson at itinanong kung sasama ba sila sa amin ngunit hindi naman siya umimik, so silent mean yes.
"Charlie, huwag mong sasabihin sasakay tayo d'yan" pagmamatakot na sabi ni kuya Jayson
"Wow kuya! kailan ka pa natakot!? ang tanda mo na tapos matatakot kang sumakay d'yan" turo ko sa roller coaster ride
"Huh? H-hindi di ako takot! papatunayan ko yan sa'yo" sabi niya sabay talikod sa akin
"Kung hindi ka takot edi samahan mo'ko" hinabol ko siya para sabay kaming pumunta.
Jayson Pov
Matagal na panahon nang hindi kami ulit nakasasakay sa mga rides, pero sa roller coaster lang hindi pa namin nasasakyan kasi bata pa lang kami noon ako, si Charlie, Sean, Charls and Lara, simula bata pa ay kami lagi ang magkakasama sa pasyalan dahil lagi kaming ipinapasyal nina mom and dad noon, kahit sanggol old pa lamang si Charlie noon ay isinasama pa rin namin siya noon para sa family bonding namin.
I looked at her and I smile that how been she grew up strong without us on her side. Pero kung tignan ko siya para lang normal ang kanyang buong pagkatao, yung parang hindi siya lumaking may pagkabasagulera at may pagkabitchy sa iba. Well I don't know kung may iba pa kasi sa loob ng 12 years ago hindi ko na naman nakita kung paano talaga siya lumaki.
Pinisil ko ang kanyang pisngi at napatingin naman siya sa akin "oh my God kuya, I thought something bad happened to you, kasi bigla ka nalang hindi gumalaw d'yan" she's cute when she worried
I chuckled and I said "I'm sorry Cha!"
"Yun lang yun kuya? and you know kuya kanina pa kita tinatawag kasi nagstart na nga yung rides tapos hindi ka man lang sumisigaw d'yan, para kang lata na walang laman" and then I chuckled again
"You're so cute Cha" I said
"Cute mo muka mo kuya para kang baliw ngayon, halika na nga!" irita niyang sabi
Nauna na siya sa may bilihan nang ice cream at susundan ko na sana siya ngunit naramdaman kong may bumato sa aking likuran.
"Was that for?" sabi ko sa kanila
"Was that for, was that for ka d'yan!" Charls said
"Nung una si Lara yung lagi niyang kasama tapos ngayon malalaki na tayo, Ikaw naman ang kasama, anong pinakain mo kay Cha at bigla ka nalang niya inaaya hah?" bata pa rin talaga kung magtampo ang dalawang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/312437524-288-k535752.jpg)
YOU ARE READING
The Archer
Mystery / ThrillerA young woman who is expert in defending herself to all of those her enemy. Instead of escaping from those bad guy that want to abduct her, she'd rather want to face and fight for herself just to show to them that she's not scared to anyone. As of t...